Aiko Melendez, feeling teenager

Aiko-Melendez-Mario-ClaudioNAGMISTULANG TEENAGER muli ang cute at magaling na actress na si Aiko Melendez dahil may nagpapasaya na naman sa kanya, ang taga-Spain na si Mario Claudio.

Nakita ngang magkasama ang dalawa sa isang malaking okasyon at hindi namn itinanggi ni Aiko na seven years din siyang hindi nakikipag-date pero nang dumating daw si Mario sa buhay niya ay muli siyang napangiti.

Nakilala ni Aiko si Mario sa isang blind date na isinet ng kaibigan. Simula raw noon, halos araw-araw na silang nagkikita.

Natawa raw si Aiko nang tanungin niya si lalaki from Spain kung ano ang nagustuhan sa kanya? Ang walang kagatul-gatol na sagot daw ni Mario ay, “She is beautiful.”

Isang building contractor si Mario na galing sa isang pribadong pamilya. Alam din daw ni lalaki na may anak na si Aiko, ang anak nila ni Jomari Yllana na si Andre ay kinse anyos na ngayon at si Marthena naman na daughter nila ni Martin Jickain.

Ang huling nakarelasyon ni Aiko ay si Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na naging lover naman ni Ara Mina at nagkaroon sila ng anak.

Ngayon ay busy na ulit si Aiko sa kanyang showbiz career. May teleserye sila ni Kim Chiu at kasama rin siya sa pelikulang Etiquette for Mistresses na pinagbibidahan nina Kris Aquino at Claudine Barretto.

Sana si Mario na taga-Spain na nga ang tamang lalaking magmamahal kay Aiko.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleDawn Zulueta, kuntento na sa kanyang buhay at wala nang hahanapin pa
Next articleDeborah Sun, humihingi ng tulong kay Aiko sa pampa-rehab ng kapatid na si Jam Melendez

No posts to display