Aiko Melendez, ‘di na umaasang matatalo si Nora Aunor

ADVERTISING

Aiko Melendez, ‘di na umaasang matatalo si Nora Aunor

Aiko-MelendezBALIK SIGLA na nga ba ang pelikulang Pilipino? E, ‘di nga ba’t ang mga mahuhusay nating artista na ‘di aktibo ay unti-unting nagbabalik-pelikula.

Marami nga ang pumuri sa naging akting ni Ms. Aiko Melendez sa kanyang pelikula sa Cinemalaya na Asintado. Halos lahat ng mga nakapanood ay nagsasabing tunay na aktres ngang masasabi ang dating konsehala ng QC.

Ayon nga kay Aiko nang makausap namin siya sa aming programa sa Radyo Inquirer 990 khz, hindi na siya nag-e-expect  pa na manalo sa darating na Awards Night ng Cinemalaya.

Pero sabi naman namin ay may himala. Nasabi lang naman ni Aiko na hindi na siya umaasang manalong best actress dahil nga silang dalawa lang naman ni Nora Aunor para sa Hustisya ang kanyang maglalaban.

ADVERTISING

“‘Yung maihanay lang ako sa pangalan ng isang Nora Aunor ay isang karangalan na ‘yon. Basta ako ginawa ko ang best ko para sa Asintado,” sey niya

Naitanong din namin sa kanya ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

“Naku! Six years na akong loveless, zero pa rin,” sey  pa niya.

Sana nga tuluy-tuloy na ang pagbabalik ni Aiko sa pelikula.

At ayon pa sa kanya ay hindi  rin niya isinasara ang pinto ng pulitika.

“Kahit naman hindi ka nasa posisyon ay puwede ka namang tumulong. Hindi na kailangan pang ipangalandakan sa publiko. Hanggang ngayon may mga  taga-Quezon City akong natutulungan.” sey pa niya.

 

POSIBLE NGA na magkaroon muli ng bagong project itong si Ms. Maricel Soriano dahil nga positive ang televiewers at mataas ang ratings ng Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA 7.

Kahit na sandamukal ang mga negative issue sa kanya nu’ng nagsisimula pa lamang ang serye ay napalitan naman ito ng magandang pangyayari sa kanyang career.

Sana ito ang hudyat ng magandang takbo ng kanyang career.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING