Aiko Melendez at Deborah Sun, may namumuong word war?

ADVERTISING

Aiko Melendez at Deborah Sun, may namumuong word war?

Aiko-Melendez-Deborah-SunDO WE smell verbal war sa pagitan nina Aiko Melendez at Deborah Sun in the air?

ADVERTISING

Sa nakaraang episode ng Startalk, parehong nahingan ng kanilang mga saloobin ang mag-stepmom tungkol sa kalagayan ni Jam Melendez. Jam is Deborah’s son by the late Jimi, former Regal baby noong dekada otsenta, at kapatid ni Aiko sa ama.

Ilalahad namin sa kolum na ito punto por punto ang kanilang magkasalungat na pahayag, mala-she says-she says.

Ani Deborah, Jam has never been on drugs, hanggang marijuana lang daw. Hirit ni Aiko, ang kanyang Tita Gigi (tawag kay Deborah) pa nga raw ang nagkuwento tungkol sa umano’y pagkagumon ni Jam sa ipinagbabawal na gamot.

ADVERTISING

Says Aiko, iminungkahi niya kay Deborah na magpa-rehab na lang si Jam. Pero ayon kay Deborah, there was no such recommendation. In the first place, paano raw ipare-rehab ang kanyang anak na hindi naman adik?

Dagdag pa ni Aiko, minsan daw niyang binilhan ng grocery o binigyan ng pang-grocery si Jam, pero ibinili o ibinenta niya ang mga ito kapalit umano ng drugs. Kontra ni Deborah, malakas daw kumain si Jam kaya imposibleng hindi niya lantakan ang mga grocery na ‘yon.

Ayon kay Deborah, totoong lumapit siya kay Aiko para tulungan ang anak, believing she (Aiko) had money to part with sa rami raw ng mga proyektong ginagawa nito. Aiko maintains, mukha lang daw siyang mayaman, pero naghihirap siya ngayon, a confession she has made in public sa pagkakataong ito for the first time.

At kung si Deborah ang tatanungin, aniya, ramdam niya since in the beginning na never siyang nagustuhan o nakagiliwan ni Aiko just because she (Deborah) became Jimi’s partner. We have yet to get Aiko’s reaction.

Sa ngayon, nasa isang facility si Jam following ‘yung inireport na insidente ni Deborah, kung saan bigla na lang daw siyang sinaktan ni Jam. Deborah sustained bruises, at kinailangan niyang humingi ng saklolo sa barangay.

Nang makarating ito sa kaalaman ni Aiko, nakaramdam ito ng takot. Dahil sa kakatwang behavior umano ni Jam, scared that Jam might also inflict physical harm on her. “Kung nagawa niya ‘yon sa mismong nanay niya, sa akin pa kaya na kapatid lang niya?”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING