Aicelle Santos, katuparan bilang singer ang solo concert

Aicelle Santos, katuparan bilang singer ang solo concert

Aicel-Santos GRABENG KASIYAHAN daw ang nararamdaman ngayon ng isa sa pinakamahusay na singer sa GMA 7 na si Aicelle Santos sa kanyang kauna-unahang solo concert na gaganapin sa February 25, 2015, 8pm sa Peta Theater.
Ito raw ang katuparan ng pangarap ni Aicelle, dahil bata pa raw siya ay greatest dream na niya ang magkaroon ng sariling konsiyerto.
Thankful nga ito at sinuportahan siya ng nag-iisang Asia’s Songbird at isa iniidolo ni Aicelle na si Regine Velasquez-Alcasid at ng kaibigan niyang si Kyla.
Wish daw ni Aicelle na maging successful ang kanyang konsiyerto nang sa ganu’n ay magkaroon ito ng repeat. Ibang-ibang Aicelle nga raw ang mapapanood dito, mas matured sa selections of songs at ng isusuot niyang costumes.
Teejay-Marquez-Rafael-Almeda-Joel-Cruz-June-Macasaet

Mabituing selebrasyon ng kaarawan ni Joel Cruz

ENGRANDE ANG naging selebrasyon ng kaarawan ng tinaguriang Lord of Scents na si Sir Joel Cruz na ginanap sa mala-palasyong tahanan ng kanyang mahal na ina sa Sisa St., Sampaloc Manila, last Feb. 19.
Sabay ng kaarawan ni Sir Joel ang pagseselebra na rin ng Chinese New Year, kung saan nagsilbing host sina Pauleen Luna at Johnny Litton, kung saan nagbigay ng bonggang performance sina Sitti, Dulce, Richard Poon, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Dumalo naman ang ilang bituin/model na malapit kay Sir Joel, katulad nina Melai Cantiveros and Jason Francisco kasama ang kanilang baby, Teejay Marquez, June Macasaet, architect/model Rafael Almeda, Marina Benepayo, Ricardo Cepeda, Miguel Tanfelix, Aicelle Santos, atbp.
Samantalang present naman ang kanyang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan at ang kanyang very cute na twins na sina Princess at Prince.

 John’s Point
by John Fontanilla