Aicelle Santos, ‘di inurungan ang isyu sa kanila ni Jonalyn Viray

Aicelle Santos, ‘di inurungan ang isyu sa kanila ni Jonalyn Viray

Jonalyn-Viray-Aicelle-SantosHINDI INURUNGAN ni Aicelle Santos ang issue sa kanila ni Jonalyn Viray, her co-La Diva member.

Rumor has it na nagmaldita itong si Jonalyn sa kanila kaya nabuwag ang kanilang grupo. At dahil sa away ay hindi raw nagbabatian sina Aicelle and Jonalyn.

“We’re civil. ‘Yung friendship lang naming na we used to have ay hindi pa bumabalik. We say “Hi!” pero ‘yung sabihin mo na chikahan ay hindi pa bumabalik,” esplika ni Aicelle sa presscon ng solo birthday concert niya titled Class A na gaganapin sa   Philippine Educational Theater Association (PETA), February 25.

Aminado naman siyang hanggang hi and hello lang ang drama nila ni Jonalyn until now kapag nagkikita.

“I have nothing against Jona. She has a really good spirit. Walang etchos ‘to, ha? Talagang mabait siya at very talented. It’s just that nu’ng time ng La Diva ay may outside forces lang. Siguro ‘yung vision niya lang ay hindi-ka-vision namin. Kailangan na naming mag-separate ways,” dagdag pa ng Aliw best actress awardee for Rak of Aegis.

Si Aicelle ay first runner-up sa second season ng Pinoy Pop Superstar na nagbigay sa kanya ng maraming opportunities sa showbiz. After nine years ay ngayon lang siya magkakaroon ng solo concert.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas