Ai-Ai, Zsa Zsa, Carmi at Beauty, sanib-puwersa sa pagpapatawa sa ‘Bes and the Beshies’

ADVERTISING

Ai-Ai, Zsa Zsa, Carmi at Beauty, sanib-puwersa  sa pagpapatawa sa ‘Bes and the Beshies’

Ai-Ai, Zsa Zsa, Carmi at Beauty, sanib-puwersa  sa pagpapatawa sa ‘Bes and the Beshies’
Bes and the Beshies lead stars Beauty Gonzales, Zsa Zsa Padilla, Ai Ai delas Alas and Carmi Martin

UMAAPAW ang mga bagong patawa at pasabog ni Ai Ai de las Alas sa latest movie niyang Bes and the Beshies mula sa Cineko Productions.

ADVERTISING

This time, kasanib-puwersa ng Comedy Queen sa pelikula sina Carmi Martin, Beauty Gonzales at Zsa Zsa Padilla na gumaganap bilang beshies (bestfriend) niya.

Sa mahigit tatlong dekadang pamamayagpag ni Ai Ai sa showbiz, umani na siya ng ibat ibang titulo at parangal gaya ng Comedy Concert Queen, Comedy Box Office Queen, Best Game Show Host, Best  Actress at maging ang Global Achivement by a Filipino Artist.

Kahit na higit na kuminang ang ningning sa larangan ng komedya dahil sa Ang Tanging Ina series, napatunayan din ni Ai Ai na may ibubuga rin siya sa drama tulad ng ipinamalas niya sa Cinemalaya indie movie na Ronda at sa Area kung saan nagwagi siya ng Best Actress sa isang international  film festival.

ADVERTISING

Samantala, ang Bes and the Beshies ay kuwento ng apat na magkakaibigan at kung paano nila nilalabanan at napagtatagumpayan ang kanilang mga insecurities sa buhay.

Ang isa pang pasiklab sa Bes and the Beshies ay ang pagsasanib-puwersa ng award-winning tandem nina director Joel Lamangan at ang magaling na scriptwriter na si Ricky Lee. Higit mang kilala ang dalawa sa paggawa ng drama, sinuguro nilang mai-entertain ang manonood ng kanilang pelikula.

Ang Bes and the Beshies ay ire-release ng Regal Entertainment at showing na ito sa Oct. 18.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING