Ai-Ai delas Alas, wanting to be rape by Jericho Rosales and Aljur Abrenica?

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, wanting to be rape by Jericho Rosales and Aljur Abrenica?

Ai-Ai delas Alas, wanting to be rape by Jericho Rosales and Aljur Abrenica?

NAKORNER NAMIN SI Ai-Ai de las Alas sa birthday celebration ni Nanay Cristy Fermin noong nakaraang Biyernes at nagbigay siya nang update tungkol sa ginagawa niyang MMFF entry na Enteng Ng Ina Mo, katuwang si Bossing Vic Sotto. Plantsado na raw ang mga characters, pero hindi pa sila nagsimulang mag-shooting.

Itinanong namin sa kanya kung makakasama nga ba niya rito ang bestfriend niyang si Eugene Domingo, dahil may dalawang entry na si Uge, ang Shake Rattle and Roll ng Regal at ang My House Husband ng OctoArts.

Ayon kay Ai, ina-ayos daw nilang mapabilang si Uge sa Enteng, so huwag na raw maghaka-haka ang iba riyan na hindi makakasama sa cast ang kanyang BFF.

ADVERTISING

May running joke naman ngayon sa showbiz, gusto raw ‘magpa-gahasa’ ng Comedy Queen kay Jericho Rosales? Pero sabi niya, biruan lang daw ito.

Eh, kay Aljur Abrenica kaya, na na-link din sa kanya? “Nasa kanila ‘yun kung willing ba sila, hahaha! Pero joke lang ‘yan, ha?”

 

NOONG NAKARAANG SABADO, natiyempuhan namin si Dra. Vicki Belo, Direk Quark Henares at Cristalle Henares sa gala premiere nang Rakenrol na dinirek ni Quark. Masaya ang lahat sa kinalabasan ng pelikula na pinagbibidahan ni Diether Ocampo.

Ayon pa kay Dra. Vicki, masaya siya at nagkausap na sina Hayden Kho at Quark at medyo plantsado ang anumang iringan na namagitan sa kanila. Pero ‘no comment’ naman si Quark nang usisain namin ang tungkol dito.

Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya sina Quark at Cristalle sa ‘engagement’ ng kanilang ina kay Hayden. Pero ayon pa rin kay Dra. Vicki, “Sana magkausap na rin sina Hayden at Cristalle, ‘yun na lang ang pangarap ko. Kaya wala ngayong gabi si Hayden dahil umiwas na lang siya na magkaroon pa ng tensiyon dito.”

Sana nga.

 

NAKAKATUWA TALAGANG KAUSAP itong si Kean Cipriano. Pagkatapos nga kasi ng screening ng Ang Babae sa Septic Tank, kung saan isa siya sa cast, natuwa raw siya at gustong sumigaw nang mapanood ang kanyang sarili sa big screen. Hindi pa raw siya makapaniwala na ito na ‘yun.

Imagine, from being a band vocalist, to TV series, to hosting tapos ngayon umaarte na rin siya sa pelikula. Marami ring fans ang nagpa-picture sa kanya, kaya naman overwhelmed daw talaga siya. Medyo nagpakita siya nang katawan sa pelikula, tuluy-tuloy na kaya ito?

“Depende po sa script, ‘di ba ‘yun ang laging sinasabi nila, pero hindi ko kayang ipakita ang birdie ko, hahaha!”

Big winner naman ang pelikula sa nakaraang awards night nito noong Linggo, kung saan wagi si Eugene Domingo bilang best actress. Congrats.

 

BLIND ITEM: KINSA Sila? Sinu-sino itong dalawang personalidad na kailan lang ay na-sight ng aking mga echoserang frog sa isang sosyaling bar sa Makati na sobrang lasing?

Ang siste, party ito ng isa ni-lang kaibigan kaya bumabaha ng alak sa naturang bar, kaya naman abot-langit ang pagsasaya ng mga bisitang naroon. Inom dito, inom doon daw ang drama nitong su-misikat na female model, habang tahimik lang ding nakamasid ang isang miyembro ng sikat na grupo at umiinom din.

Nang medyo lasing na ang lahat, lumapit daw itong si female model sa miyembro ng isang sikat na grupo at walang kaabug-abog na niyaya niya itong umalis. Ayon, they ‘leave’ happily ever after sa bar.

Sige nga, makukuha kaya ng mga malilikot n’yong isipan ang BI na itech? Go, hula na!

 

Twitter-@arnielcserato, Facebook-heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING