Ai Ai delas Alas, walang nagawa nang ilabas ng kanyang pamilya si Jiro Manio sa rehabilitation center

ADVERTISING

Ai Ai delas Alas, walang nagawa nang ilabas ng kanyang pamilya si Jiro Manio sa rehabilitation center

MIYERKULES, noong nakaraang linggo, inilabas na ng kanyang pamilya ang dating child star na si Jiro Manio mula sa rehabilitation center, kung saan siya pinaalagaan ni Ai Ai delas Alas.

Ai Ai delas Alas, walang nagawa nang ilabas ng kanyang pamilya si Jiro Manio sa rehabilitation center
Ai Ai delas Alas & Jiro Manio

Si Ai Ai ang tumayong ina ni Jiro noong panahong problemado ito dahil sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Ipinaalam naman kay Ai Ai ng tagapamahala ng rehabilitation center ang desisyon ng pamilya na ilabas na si Jiro. Pero kung si Ai Ai raw ang masusunod, mas nais niyang mamalagi na muna ang kanyang anak-anakan sa loob ng rehab center. Bukod daw kasi sa pagkalulong sa bawal na gamot, may iba pa raw itong problema.

Ganu’n pa man, wala naman aniyang magagawa ang komedyana, dahil hindi siya ang tunay na kadugo at wala siya sa posisyon upang kontrahin ang tunay na pamilya nito.

ADVERTISING

Mayroon pa sanang kailangang tapusin si Jiro sa rehab center na aftercare program na malamang daw na aabutin pa nang 18 buwan. Kung matatapos at maging maayos ang performance ni Jiro sa nabanggit na programa, maaari umano siyang maging volunteer sa rehab center na kung saan siya naroon at sa kalaunan ay maaari na rin itong magtrabaho roon bilang staff member.

Samantala, may hiling naman si Jiro. Kung sakaling tuluyan na raw siyang gumaling, nais daw niya talaga makabalik sa pag-aartista, dahil sobrang na-miss na raw niya ang umarte. Sana raw ay mapagbigyan siyang muli. ‘Yun nah! 

ADVERTISING