Ai-Ai delas Alas, wala raw gusto pang patunayan

Ai-Ai delas Alas, wala raw gusto pang patunayan

Ai-Ai-delas-AlasIN FAIRNESS kay Ai-Ai delas Alas, secure na secure siya sa sagot niya sa mga iniintriga sa kanya nang lumipat ito ng GMA 7.

May iba riyan, kung anu-ano ang mga pinagsasabi laban sa kanya na obvious naman kung sino nagpasimuno n’yan, ‘no!

Kaya parang lalong nakaka-pressure, kung maganda ba ang kalalabasan ng drama series niyang Let the Love Begin na magsisimula na sa May 4.

May nagsasabing laos na raw ito kaya lumipat na ito ng network. Kaya kung anu-anong kanegahan ang mga pinagsasabi nila sa bagong show ni Ai-Ai.

Pero hindi na ito pinapansin ni Ai-Ai. Wala na raw siyang nararamdamang pressure.

Sabi na lang ng Comedy Queen, “Wala na akong pressure. Isa ‘yan sa reasons kaya lumipat ako dahil gusto ko na lang relax. Chill lang.

“Modesty aside, ayoko nang may patunayan pa.

“Gusto ko na lang ‘yung happy working, happy ambience, positive. Wala na ‘yung ano… no to negatrons tayo.”

Dito pala sa Let The Love Begin ay ilulunsad ng GMA 7 ang bagong loveteam na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

In fairness, bagay sila at ang ganda-ganda ni Gabbi, huh!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis