Ai-Ai delas Alas, wala nang mahihiling pa sa lovelife

Ai-Ai delas Alas, wala nang mahihiling pa sa lovelife

2 Ai-Ai-delas-AlasNAKA-SMILE SI Ai-Ai nang makita niya ang isang lumang kopya ng Pinoy Parazzi na nandu’n ang picture ng boyfriend niya na si Gerald Sibayan; isa lang ang nasambit niya. “Ang cute niya,” habang ang tamis ng ngiti ng komedyante na sa paglipat niya sa GMA Kapuso Network kamakailan, ngayong araw (Lunes, May 4) sisimulan ang bagong teleserye niya na Let The Love Begin na mapapanood pagkatapos ng Pari Koy.

Yes, haping-hapi si Ai-Ai lalo pa’t going strong ang relasyon niya sa kanyang boyfriend gayong ang anak na panganay na si Sancho delas Alas (kasama rin siya sa RomCom ng ina); aprubado sa kanya ang pakikipagrelasyon ng ina sa mas nakababatang boyfriend nito. “As long as happy si Mama, masaya na ako. Masaya kami ng mga kapatid ko,” pagmamalaki pa ni Sancho nang makausap namin.

Maganda ang aura ni Ai-Ai. Nag-e-exude ng positive energy lalo pa’t positibo siya sa mga kaganapan sa kanyang personal na buhay lalo na sa kanyang lovelife. Wala nang mga negativities. Wala nang nagne-nega sa kanya. “Masaya ako sa pagbabalik ko sa GMA. At least ito na ang bahay na para sa akin. Good vibes, ‘day,” kuwento ni Ai-Ai.

Sa lovelife niya, wala na siya mahihiling pa. “Happy ako sa amin ni Gerald. Sana huwag na siyang maintriga pa. Nag-e-effort naman siya na patunayan sa mga may ayaw sa kanya for me na he deserves me. Ganda, ‘di ba?”

Reyted K
By RK VillaCorta