Ai-Ai delas Alas, tuwang-tuwang kinuhang abay ni Marian Rivera at ‘di ninang

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, tuwang-tuwang kinuhang abay ni Marian Rivera at ‘di ninang

Ai-Ai-delas-Alas-Marian-RiveraSIGURO NAILABAS na ng kampo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang listahan ng entourage sa kasal nila.

Isa nga ako sa kinuha nilang ninang at honored naman ako.

Nu’ng nakaraang Linggo nga, nagkaroon ng lunch para sa mga kinuha nilang ninong at ninang.

Pawang mga close sa kanila ang kinuha nila dahil sabi nga ni Dingdong, ang gusto raw nila ay ‘yung malapit sa kanila at itinuturing nilang magulang.

ADVERTISING

Ilan sa mga nakasama ko roon na tatayong ninong at ninang ay ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Wilma Galvante ng TV5, Lilybeth Rasonable, Direk Mac Alejandre, Direk Joyce Bernal, German Moreno, Mr. Tony Tuviera, at mga tito at tita ni Dingdong.

Alam ko kasama rin si Dra. Vicki Belo, at ang dinig ko pati si PNoy, pero wala pa silang sinasabi.

Malamang na kasama rin sa mga ninong sina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit, pero ang gusto yata nila ay personal nilang kausapin.

Sinabi na rin ni Ai-Ai delas Alas na isa siya sa mga abay at tuwang-tuwa siya dahil hindi raw siya ninang ngayon.

Abangan n’yo na lang ang update sa kasal nina Dingdong at Marian na mapapanood ‘yan sa Startalk at pati na rin yata sa dance show na Marian.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING