Ai-Ai delas Alas, tumatayong foster parent ngayon ni Jiro Manio

Ai-Ai delas Alas, tumatayong foster parent ngayon ni Jiro Manio

Ai-Ai-delas-Alas-Jiro-ManioPAGKATAPOS INILABAS ng Kapuso Mo Jessica Soho Report ang kuwento ni Jiro Manio, lumalabas na si Ai-Ai delas Alas na raw ang tumatayong ina ng dating child actor.

So bale, foster parent na ni Jiro si Ai-Ai, eh ‘yung kinakalakihan niyang ama ay foster father na rin niya.

Eh, galit nga raw ngayon si Jiro sa ama-amahan niya, kaya si Ai-Ai lang muna ang kinikilala niyang magulang.

Nagkausap nga raw sina Ai-Ai at Jiro, at hindi na ibinahagi ni Ai-Ai kung ano ang napag-usapan nila. Ayaw raw niyang mawala ang tiwala sa kanya ni Jiro, kaya kung ano ang napag-usapan nila, sa kanila na lang ‘yun.

All-out ang tulong ni Ai-Ai sa aktor at sabi niya, kung ano ang kailangan ni Jiro, ibibigay niya.

Alam ko ipare-rehab nila uli si Jiro at sana nga okay na ito pagkatapos ng rehab. Marami pa naman ang nanghihinayang sa kanya at gusto siyang tulungang makabalik. Kaya ‘yan muna ang misyon ngayon ni Ai-Ai.

Sabi nga niya, kaya raw siya hinayaan ng Diyos na makabalik uli sa pag-aartista at nakalipat ng GMA 7, dahil alam daw niyang may misyon pa siya at marami pa siyang matutulungan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis