Ai-Ai delas Alas, tuloy ang concert kahit inayawan na ni Richard Yap

Ai-Ai delas Alas, tuloy ang concert kahit inayawan na ni Richard Yap

Ai-Ai-delas-AlasSO KAHIT wala na na nga si Papa Chen Richard Yap bilang “Papa” sa “I Heart You, Papa” concert ni Ai-Ai delas Alas sa Solaire Theater and Casino sa Feb. 12 ay pinalitan naman ito ng dalawa ring papable sa katauhan nina Aljur Abrenica st JC de Vera.

“Kaya ko rin tinanggap ito, mare,” dagdag pa ni Ai-Ai, “Dahil ako ‘yung unang Pinoy na magko-concert sa bago nilang theater na ang ganda-ganda.”

Excited na si Ai-Ai, dahil kahit sosyalin ang venue ay hindi pa rin mapipigilan ang kanyang “kamay ni Hilda”.

“Siyempre, Papa Aljur at Papa JC yan, kaya ewan, bahala na rito sa kamay ko kung saan na naman dadapo sa parte ng katawan nilang papalicious.”

Baka magselos ang dyowa niyang si Gerald Sibayan?

“Nako, hayaan mo nga si bakla. Hahahaha! Pagkakataon ko na uli itong meron namang ibang mahipo, hahaha!

“Pero sa totoo lang, hindi naman seloso ‘yon. Protective lang. Saka alam naman niyang for a show lang naman ‘to at hindi naman totohanan.

“Mga anak-anakan ko naman ang mga guest ko, kaya alam na niya ‘yon.”

Natutuwa rin si Ai-Ai dahil almost soldout na ang tickets.

“Pero p’wede pa rin silang bumili, ha? Nood sila dahil malolokah sila sa akin dito. Itsismis ko sa kanila kung sino ang mas daks sa guests ko, hahaha!”

Hahahaha! Mukha ngang masaya ito!

Oh My G!
by Ogie Diaz