Ai-Ai delas Alas, tikom ang bibig sa na-cancel na concert

Ai-Ai delas Alas, tikom ang bibig sa na-cancel na concert

1 Ai-Ai-delas-AlasKAMAKALAWA NG gabi ay kumalat ang isyung hindi na matutuloy ang concert ni Ai-Ai delas Alas  sa Solaire theater. Tine-text namin si Ai-Ai pero wala kaming makuhang sagot sa kanya.

Siya na nga kasi ang tumatayong co-producer kaya kailangan na may marinig na kasagutan kung bakit nga ba?

Kakalokah, ‘di ba?

 

MAY BAGONG career na pala ang nakakabatang kapatid ni Cesar Montano na si Rommel Montano. Hindi lang pala siya hanggang sa pag-arte lang, kundi pinasok na rin niya ang pagdidirek. Hindi man natin siya nakikitang umaarte ngayon sa pelikula at mga teleserye, may mahalagang pinagkakaabalahan naman pala siya, ang pagDidirek ng mga christian movies.

At masasabi ko rin na lucky ang year nitong si Rommel dahil nga kuinuha rin siyang mag-endorso ng Vegemax, isang food supplement na para sa lahat ng edad.

Kaya naman stay healthy siya ngayon at masasabing parang hindi siya tumatanda. Kasama ang kanyang pamilya, asawa’t anak sa pag-eendorso.

At take note, mga guwapo at magaganda ang kanyang mga anak at talagang masasabing puwedeng mag-artista.

Kaya abangan sila.

Nakasama namin ang kanyang buong pamilya nang magkaroon ng mall show ang aming radio program na Wow It’s Showbiz sa DZIQ 990 AM, 3 to 5pm, sa Fishermall.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!