Ai-Ai delas Alas, tigilan na raw ang pagsasabong sa kanila ni Kris Aquino

Ai-Ai delas Alas, tigilan na raw ang pagsasabong sa kanila ni Kris Aquino

Ai-Ai-delas-AlasMEDYO EMOTIONAL daw si Ai-Ai delas Alas sa nakaraang thanksgiving concert niya na ginanap sa Skydome nu’ng Sabado. Lalo na ‘yung nagpapasalamat siya sa GMA 7. Kasi siyempre, nakita naman niya kung paano siya alagaan ng Kapuso Network.

Pero marami kasi ang naninira at humuhulang waley na ang career ni Ai-Ai. May mga nagsasabi pang hindi raw gaanong bumongga ang drama series niya na Let The Love Begin.

Siyempre ang katapat niyan ‘yung Forevermore na malapit nang matapos kaya sinubaybayan siguro talaga ‘yun. Pero marami namang magagandang feedback sa Let The Love Begin, kaya lagi itong nagti-trending.

Basta paulit-ulit na sinasabi ni Ai-Ai na masaya siya sa GMA 7. Maayos ang trabaho niya, at alam niyang nasa safe na lugar siya. Hindi ‘yung may feeling siya na tinitira siya pailalim. Alam n’yo na!

Ngayon pa lang ay nagsisimula na naman silang pagsabungin ni Kris Aquino, dahil malamang na magtatapat sila ng pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Nagpa-storycon na ang pelikulang pagsasamahan nina Kris at Mayor Herbert Bautista. Nag-announce na rin si Ai-Ai na magsasama sila ni Vic Sotto, kaya matinding bakbakan ‘yan. Maiintriga na naman sila. Pero sabi ni Ai-Ai, kung puwede tigilan na raw sila ni Kris.

Hay, naku! Hindi pa rin matapos-tapos ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis