Ai-Ai delas Alas, tensyonada noong nililigawan ng bagets na Lasalista

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, tensyonada noong nililigawan ng bagets na Lasalista

Ai-Ai-delas-AlasTAHIMIK ANG mundo ni Ai-Ai de las Alas. Masaya naman kasi ang Comedy Box-Office Queen sa sitwasyon niya ngayon. Kumbaga sa Facebook status “In a Relationship” si Ms. Ai-Ai na para sa nakararami, masaya ang publiko sa pag-ibig na natagpuan niya sa katauhan ng isang 20 years old Lasalista.

Alam n’yo ba na noong early months ng panliligaw ni Gerald Sibayan, palaging tensyonada ang komedyante kapag nagte-text sa kanya ang binata. Tarantina siya na naghahanap ng kaibigan na makatutulong niya sa pagsagot sa text ng kanyang “manliligaw”.

Napag-alaman naming aliw na aliw ang kaibigan ni Ms. Ai na si Arnell Ignacio kapag hinihingan na siya ng saklolo ng kanyang bestfriend.

“Tensyonada siya. Hindi alam kung ano ang isasagot sa text ni bagets sa kanya. Feeling nga niya, menor de edad ang bakla,” natatawang pagbabalik-alaala ni Arnell sa early stage ng panliligaw ni Gerald sa kaibigan.

ADVERTISING

Sabi nga ni Arnelli, happy siya sa kaibigan. Hindi niya ini-expect na after all the trials na pinagdaanan ng kaibigan sa dating “mister” na si Jed Salang, na-survive niya at heto’t nakatagpo rin ang Comedy Queen ng taong tunay na magmamahal sa kanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING