Ai-Ai delas Alas, taun-taon pinaghahandaan ang b-day ni Mama Mary

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, taun-taon pinaghahandaan ang b-day ni Mama Mary

Aai-Ai-delas-AlasNOON PA ay Marian devotee na si Ai-Ai delas Alas. Taon-taon, kahit anong araw pumatak ang September 8 na birthday ni Mama Mary, isine-celebrate niya ito. Bilang kanyang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap niya.

Muli ay naiyak na naman si Ai-Ai sa kanyang thank you speech matapos ang misa ni Fr. Eric Santos (ang paring parang nag-i-stand up comedy) sa ginanap na thanksgiving day sa clubhouse ng Ayala Hillside, kung saan muntik nang ipakilala ni Ai-Ai sa mga dumalo ang kanyang “special someone”.

Naiyak si Ai-Ai na hanggang ngayon ay hindi siya pinababayaan ni Mama Mary at super thank you siya, dahil in the pink of health ang kanyang pamilya.

Dumalo rin ang “kambal” niyang si Marian Rivera, Nova Villa (na ibinalitang double bypass ang gagawin kay Tiya Pusit sa Heart Center), Bro. Bo Sanchez at ang kanyang presidentiable na si VP Jojo Binay.

ADVERTISING

 

LATE 80’s pa kami magkaibigan ni Ai-Ai delas Alas. Stand-up comedienne pa lang siya noon sa Music Box. Kahit gagah-gagah sa pag-ibig ‘yan ay iisipin mo nga naman, sino ba ang hindi? Pero si Ai-Ai ay laging may feeling na “mahal na mahal siya ng Diyos”.

Kaya gano’n na lang kalakas ang faith niya sa Panginoon. Lahat ng nangyayari sa buhay niya ay ipinauubaya niya sa Panginoon at ang nakakalokah ay “sinusuklian” agad daw ni Lord nang hindi lang sakto, kundi sobra pa.

Mabait din sa kapwa. Aba, ilan na ang napagtapos niyang estudyante? Kahit ‘yung mga gustong magpari, pinag-aaral niya, kaya andami niyang kaibigang pari na lahat ‘yon, ipinagdarasal siya, kaya naman blessed na blessed ang komedyana.

At kami na mismo ang magsasabi, kahit kelan ay hindi binago ng panahon at estado ang kanyang kabaitan at ang kanyang generosity, kaya naman doble-doble ang bumabalik na biyaya sa kanya.

Kaya mahal na mahal ko ang potahng ‘yan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING