Ai-Ai delas Alas, sinuwerte sa lovelife, minalas sa career

Ai-Ai delas Alas, sinuwerte sa lovelife, minalas sa career

Ai-Ai-delas-AlasPAULIT-ULIT NA hindi makuha ni Ai-Ai delas Alas nang magkasabay na maganda ang kanyang lovelife habang bongga rin ang kanyang career. Pagkatapos na makipaghiwalay sa huling lalaking kanyang pinakasalan ay sobrang bongga na naman ang kanyang lovelife ngayon sa kanyang pakikipagrelasyon sa bagets na kaibigan ng panganay niyang anak. Pero kung papansinin, medyo may lamlam sa ngayon ang kasikatan ng komedyana.

Mabasag na sana ang paglamlam ng career ni Ai-Ai sa pamamagitan ng isang bagong project na muling mag-aangat sa kanya. Nitong huli kasi, ‘yung dalawang huling pelikula ni Ai-Ai kasama sina Marian Rivera at Kim Chiu ay hindi siya sinuwerte. Parang nasapawan ni Kim si Ai-Ai sa kanilang pelikula at nagmukhang suporta lang ng young actress ang komedyana. Samantalang hindi naman siya nasapawan noon nina Vice Ganda at Kris Aquino sa pinagsamahan nilang pelikula na bongga sa takilya.

Nawala na rin ang init ng usapan na papasok si Ai-Ai sa pulitika. Ang pinag-uusapan na lang ay ang tungkol sa pakikipagrelasyon niya. Ang nakalulungkot pa, nitong nagdaang Pasko ay ramdam na ramdam na cost-cutting ang komedyana, dahil napansin at pinag-usapan na hindi na siya ang kauna-unahang artista na nagpapasaya sa press.  Kawawa naman siya, dahil inintriga na kaagad ulit na laos na raw siya. Basta, isang bonggang project lang ulit ang kailangan niya, para havey ulit.

ChorBA!
by Melchor Bautista