Ai-Ai delas Alas, sinisikreto ang pangatlong papa

Ai-Ai delas Alas, sinisikreto ang pangatlong papa

Ai-Ai-delas-Alas‘YUN NAMAN pala. Kaya pala may press release si Mareng Ai-Ai delas Alas na secret muna ang kanyang pangatlomg “papa” na guest niya sa kanyang “Ai Heart Papa” sa Solaire Theater on Feb. 12 aside from Papa Aljur Abrenica at Papa JC de Vera eh, dahil bihira palang lumabas ito.

Isang tawag lang ni Ai-Ai Rito para hiritan na mag-guest ay agad-agad itong tumango at ang nakakalokah pa, ni singkong duling at bulag ay hindi ito tatanggap, dahil gusto lang nitong pagbigyan si Ai-Ai kahit pahinga muna ito ngayon.

Hindi naman sa nagtatago si “Papa 3” kundi nag-mellow na muna ito, although marami ang nagre-request ng kanyang pagbabalik sa boobtube, dahil na-miss na nga ng mga tagasubaybay nito na araw-araw itong nakikita sa telebisyon na namimigay ng pera.

Kaya pasensiya na kung hindi ko muna masasabi sa inyo kung sino ito. Pero ang makakahula ay hihingin ko ang address at padadalhan ko ng jacket.

Jacket na ngipin, ha?

Hahahahaha!

 

JUICE KO, sana wala kaming work sa gabi ng Feb. 20 or 21 para mapanood namin ang “The Votes of The Philippines” ng ace impersonator na si Willie Nepomuceno sa Music Museum.

Bihira kasing mag-show si Willie Nep at ‘pag nag-show, laging may bitbit na bagong jokes tungkol sa mga pulitikong ginagaya niya in a satire way.

Sino kaya ang latest na gagayahin niya bukod kay PNoy? Si Dating PNP Chief Allan Purisima? Abangan natin ‘yan. For tickets P3k and P2k, tawag lang sa Ticket World. ‘Wag n’yong palalampasin, dahil maraming sorpresa, sabi ng aming friend na si Tita Emmie Domingo na siyang nagrarasyon sa amin ng pinakamasarap na 3-in-1 coffee.

Hahahaha! Pati kape? Hahahaha!

 

KINIG KA naman sa radio program namin ni MJ Felipe, ang OMJ, sa DZMM 630khz sa inyong AM band, every Saturday, 9-10pm. Mapapanood din sa DZMM Teleradyo sa Sky Cable Channel 26 at sa Destiny Cable Channel 25 at puwede ring mapakinggan online, log on lang sa www.dzmm.com.ph.

Kung gusto n’yo ring makipagtsismisan sa akin, live na live sa Buzz Online every Sunday naman, 2-3pm. Log on lang sa www.tfc.tv at puwede n’yo rin itong mapanood anytime you want basta register lang, okay? Salamat nang bonggabels!

Oh My G!
by Ogie Diaz