Ai-Ai delas Alas, sa TV5 lilipat

Ai-Ai delas Alas, sa TV5 lilipat

Ai-Ai-delas-AlasLIKE A criminal sentenced to die by hanging, ibinitin din namin kayo in our last Wednesday’s column as to which TV station Ai-Ai de las Alas is transferring to from ABS-CBN, her home for more than a decade.

Nailatag na namin, base sa kuwento ng aming source, ang dahilan ng napipintong paglipat ng hitad. Feeling ni Ai Ai, ang P30M measly gross profit lang ng pelikula niya bilang major support kina Kim Chui at Xian Lim—way below the standards of a Star Cinema movie—had something to do with so much publicity slant tungkol sa kanyang lovelife.

Insulted, agad-agad nagdesisyon si Ai Ai na lalayas na sa ABS-CBN. At sa tanong kung saan siya lilipat as if there are too many options to choose from, ang sagot: sa TV5!

For sure, ang tanong: bakit sa TV5? Nito lang ipinakontrata ni Ai Ai ang kanyang anak na si Sancho Vito sa GMA na naging “blocktimer home” din niya before her ABS-CBN entry.

We have nothing against Ai Ai’s network choice for her transfer. But let’s be realistic.

Of the four major, highest-paid stars na galing sa ABS-CBN na lumipat sa TV5 (Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Robin Padilla and Derek Ramsay), only Derek—the least of them all—ang may masasabing career. Even Ogie Alcasid—a transferee from GMA—is groping in the dark, except for Robin.

May “kakambal” ding sagot sa tanong kung bakit lilipat na lang daw si Ai Ai, this time walang kaugnayan sa anumang insidente, kundi sa presensiya raw ng isang makapangyarihang tao sa ABS-CBN. Bagama’t naayos na raw nila ang long-standing feud that came between them, things will never be the same hangga’t naroon daw ang taong ‘yon na itago na lang natin sa alyas na… Chrysanthemum Aquinas.

 

ABANGAN THIS Sunday sa Ismol Family ang mga sala-salabat na kuwentong magdudulot na naman ng sakit sa mag-asawang Jingo at Majay.

Dahil wala na namang tindera sa bakery, kailangan na namang maghanap ng kapalit. May inirekomenda naman si Polly, ang event planner nina Majay, si Nana na malayo niyang kamag-anak. ’Yun nga lang, may

kakaibang kilos si Nana.

Samantala, nakatanggap naman ng e-mail si Majay for a work in Majay thinks of ways para maiparating ito kay Jingo, and how?

May malaki namang problema si Ethan dahil sumulpot si Ginny na nagpakilalang siya ang secret admirer ni Yumi. Insecure yata si Ethan? Totoo nga bang si Ginny ang secret admirer ni Yumi?

Ang Koopad story naman ay tungkol sa isang merman na isinumpa ng bading na syokoy. Subaybayan ang istoryang Once Upon A Kalis Kiss sa Koopad.

Nakita naman ni PJ si Lance. Naka-disguise ito pero nakilala pa rin siya ng bata. Sinabi ito ni PJ kay Mama A pero todo tanggi si Lance na siya nga iyon. Nandito nga ba si Lance at wala sa New Zealand?

Abangan ang Ismol Family ngayong Linggo, 6:45 ng gabi.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III