Ai-Ai delas Alas, sa Siyete at ‘di sa Singko lulundag?

Ai-Ai delas Alas, sa Siyete at ‘di sa Singko lulundag?

1 Ai-Ai-delas-AlasSA TV5 na nga ba, o sa GMA lulundag si Ai-Ai de las Alas after her contract with ABS-CBN expires this March?

Earlier, we quoted a reliable source—isang bosom buddy ng hitad—na desidido na raw si Ai-Ai sa kanyang napipintong paglipat sa TV5, this after she got incensed nang ibutas ng Star Cinema ang kanyang lovelife na naging major publicity slant ng Kim Chiu-Xian Lim movie na Past Tense kaya P30-M lang ang naitalang gross profit nito.

Inalmahan ‘yon ni Ai-Ai, was she solely to blame daw? At paano naman daw ang ganansiyang iniakyat niya sa Star Cinema in the past, burado na at a drop of a hat?

Pero ‘eto na ang latest tsika. Perhaps slip of the tongue na nasambit ng isang GMA insider that a creative unit sa istasyong ‘yon is cooking up a show for Ai-Ai.

Sikat nga naman these days ang hitad after she cancelled her recent Valentine concert herself arising from the problems with her producer Jacob L. Fernandez, na sangkot sa ilang kaso ng raket. A con artist, you may put.

Ai-Ai back in GMA? And why not? After all, her standup comedic character Cheenee Lachica (capitalizing on her chin) ay isinilang sa programang Show & Tell sa GMA many years ago. Ai-Ai’s last show, ‘yung weekly sitcom na 1-4-3 produced by Vic Sotto’s M-Zet Production, was aired on GMA.

Idagdag pa rito na ang kanyang panganay na anak na si Sancho Vito—way past his age to have realized na showbiz rin pala ang trip niya—is now with GMA.

 

PLEASANT SURPRISES await the avid and rabid viewers of Ismol Family this Sunday.

May bago kasing panauhin na darating sa nasabing pamilya sa katauhan ni Tiyo Bibo. Now, the question is: anong gulo ang hatid ng bisita nilang ito?

Si Tiyo Bibo raw kasi ang kinatatakutan ng buong pamilya, most specially by Jingo. So, what is it about this uncle na sa halip maging well-loved ay much feared?

Ano kaya ang mangyayari kapag nagkita sina Mama A at Tiyo Bibo? Malilintikan ba si Lance? Dahil nagpaampon na ito kay Mama A, iiral ba ang pagiging istrikto nito?

Samantala, lalo namang lumalalim ang pagtitinginan nina Yumi at Ethan. May confession na nga bang mangyayari? Pero may hahadlang sa kanilang pagtitinginan na sobrang “laki”, na sa sobrang laki ay baka hindi kayanin ng mga tagasubaybay ng family-oriented sitcom na ito.

Find out as Ismol Family airs this Sunday, 6:45 pm on GMA.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III