Ai-Ai delas Alas, sa Singko ipinasok ang binatang anak

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, sa Singko ipinasok ang binatang anak

Ai-Ai-delas-AlasMUKHANG TULUY-TULOY na ang pag-aartista ni Sancho Vito, ang panganay na anak ni Ai-Ai delas Alas.

Kung si Mareng Ai ay nasa ABS-CBN, “Baka sa TV5 ko ipasok si Sancho.

“Kinausap ko na ang kumare ko roon, si Mareng Wilma (Galvante) na akala niya nu’ng una ay si Sancho ang inaanak niya sa binyag eh si Sophia yon.

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Hayaan mo na. Inaanak mo na rin si Sancho from now on!’ Hahahaha!”

ADVERTISING

Bakit nga ba hindi sa ABS-CBN? “Wala lang. Gusto ko lang ipa-experience sa anak ko na hindi ganu’n kadali ang pag-aartista. Pero gusto niya, eh. Kaya susuportahan ko na lang ang gusto niya.”

Sa ngayon ay tinatapos na ang interior ng lilipatang condo ni Sancho, “Oo, mare. Para matuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

“‘Yung dalawang anak ko, na ke Miguel sa US, gusto roon na tumira. Kaya eventually, magda-downsize ako ng house.

“Ibebenta ko ‘yung house ko sa Ayala dahil masyado nang malaki para ako lang mag-isa plus ‘yung mga ate ko.”

Me entry sa Cinemalaya si Ai-Ai. Ito ang Ronda, kung saan me “mainit na eksena” sila rito ni Cesar Montano.

Sa July 18 ang huling airing naman ng Dyesebel, “Kaya gusto ko munang magpahinga kahit one week. Staycation lang ang peg.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING