Ai-Ai delas Alas, sa Japan isinelebreyt ang birthday ng dyowa

Ai-Ai delas Alas, sa Japan isinelebreyt ang birthday ng dyowa

Gerald-Sibayan-Ai-Ai-delas-AlasBONGGA PALA ang Ai-Ai delas Alas, huh! Sa Japan sila ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan nag-celebrate ng kaarawan ng huli.

Kati-21 lang ni Gerald at mukhang masaya naman sila sa kanilang relasyon.

Sa mga ipinu-post nga ng komedyante sa kanyang Instagram account, nakikita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Doon pa niya nilagay kung ano ang tawagan nila, huh! Merong babes, bebe, coronel, boss, partner, at kung anik-anik na tawagan. Pero ang term of endearment nila ngayon ay “babs”. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nu’n.

Nag-post  pa raw si Ai-Ai sa Instagram account niya ng pagbati niya kay Gerald at sinabi raw niya na kahit anong puna at pang-aalipusta ang inabot nila sa ibang tao, wala raw silang pakialam kundi harapin daw nila ito.

Sabi nga niya sa post niya, “Sometimes nasasaktan ka na, hinga nang malalim at isipin they just know your name but not your story…I love you so much.”

In love na in love, ha! Ang nakakatuwa lang dito, boto ang mga anak ni Ai-Ai rito sa boyfriend niya.

Doon nga sa IG account niya, nakibati rin ang mga anak ng komedyante. Halos kaedad lang nila, at kasundo naman nila ito.

Sana nga ito na talaga ang hinahanap ni Ai-Ai. Hindi na sana maulit pa ‘yung dati. Pero kahit na ano pang mangyari, ang importante masaya silang dalawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis