Ai-Ai delas Alas, pressured na matalbugan ang papalitang Sunday show

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, pressured na matalbugan ang papalitang Sunday show

Ai-Ai-delas-AlasALIGAGA ANG mga staff ng bagong comedy-musical show na Sunday Pinasaya na papalit sa Sunday All Stars sa Linggo.

Siyempre, malaking pressure sa kanila dahil dapat mas maganda ito at matalbugan nito ang Sunday All Stars.

Sabi naman ni Ai-Ai delas Alas, konti lang daw talaga ang musical, dahil mas marami raw ang katatawanan at mga games. So, ibang-iba ito sa katapat nilang musical-variety show.

Pero ang isa sa hinahanap nila ay sikat na AlDub tandem. Kasali kasi si Alden Richards dito, pero wala si Yaya Dub.

ADVERTISING

Sa Eat Bulaga lang talaga mapanonood ‘yun kaya ibang-iba itong ipakikita nila sa Sunday Pinasaya.

Kasali nga rito sina Jose Manalo at Wally Bayola, pero kung ano ang ipinakikita nila sa Eat Bulaga, iba rin dito sa Pinasaya. Kaya abangan n’yo na lang ‘yan sa Linggo.

Ang ka-back to back naman nitong Sunday Pinasaya ay ang Wowowin ni Willie Revillame. Mas bongga, at mas maraming papremyong ibibigay si Willie rito. Pinahaba na ang show niya at suportado pa rin talaga ito ng GMA 7, kaya abangan n’yo rin ito.

Actually, mas excited si Willie dito sa bagong timeslot ng Wowowin niya. Pero mas matindi ang kalaban. Pero kampante si Willie dahil ang gusto lang naman niya ay mas marami siyang matutulungan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING