Ai-Ai delas Alas, pinalitan si Marian Rivera sa isang show sa Canada

Ai-Ai delas Alas, pinalitan si Marian Rivera sa isang show sa Canada

Ai-Ai-delas-AlasHOW TRUE ang balita na si Ai-Ai delas Alas ang pumalit sa isang show sa Vancouver na dapat na para kay Marian Rivera? Nakabenta na raw ng mga tiket, pero sa dahilang hindi na puwedeng mag-work itong si Marian, mas minabuti na lamang na magpalit ng artista.

Si Ai-Ai na nga raw at buti na lamang ay okey lang sa mga nakabili ng tikets.

Kung ganoon, magka-level ang dalawa sa kanilang estado bilang artista.

Buti na lamang at nakalipat si Ai-Ai sa Siyete or else, walang pamalit?

Ang tanong, pa’no ang mga tapings niya kapag umalis siya?

Sa dami ng raket dito ni Ai-Ai… Well.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!