Ai-Ai delas Alas, pinagtataasan ng kilay sa ‘last’ niya raw na relationship

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, pinagtataasan ng kilay sa ‘last’ niya raw na relationship

Ai-Ai-delas-AlasKAHIT NAMAN sabihin ni Ai-Ai delas Alas na pagkatapos ng kontrobersiyal nilang hiwalayan ng lalaking kanyang pinakasalan, ipapahinga na niya ang kanyang puso tungkol sa pakikipagrelasyon, napakahirap niyong gawin sa isang tulad niyang nasa showbiz.

Iba naman kasi ang sex appeal ng Comedy Concert Queen kapag makikita mo siyang walang make-up, at iba rin naman ang kanyang personalidad kapag nagpapabalahura siya bilang komedyana sa kanyang mga pelikula.

Ang dami-dami naman kasing nakikilala at nagpapakilala kay Ai-Ai, kaya mabilis din naman siyang nakakatagpo ng lalaking puwede niyang mahalin. Kaya nga, hindi na rin nakapagtataka na mabilis na nahulog ang kanyang loob sa bago niyang boyfriend na si Gerald Sibayan na 20 anyos lang.

Nag-iisip din naman si Ai-Ai at hindi siya puro puso lang kapag nakipagrelasyon. Kaya nga lang, hindi niya kontrolado ang mga puwedeng mangyari sa dulo ng kanyang pakikipagrelasyon.

ADVERTISING

Napapaso na rin naman si Ai-Ai dahil sa sunud-sunod na pagkaunsiyami ng kanyang pakikipagrelasyon, at mas matindi nga ‘yung hiwalayan nila ni Jed Salang na nangyari. Kaya nakapagsalita na rin ang komedyana, na last na raw niyang boyfriend si Gerald.

Talaga lang, huh? Marami ang nagtataas ng kilay sa sinabing ito ni Ai-Ai, dahil baka kainin niya sa dakong huli ang kanyang sinalita. Pero marami din ang nakakaunawa sa kanya, na gusto lang naman niyang mag-ingat sa bagong pakikipagrelasyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING