Ai-Ai delas Alas, pinaghubo’t hubad ni Direk Louie Ignacio sa pelikula

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, pinaghubo’t hubad ni Direk Louie Ignacio sa pelikula

Ai-Ai delas Alas & Direk Louie Ignacio
Ai-Ai delas Alas & Direk Louie Ignacio

Ipinahayag ni Direk Louie Ignacio ang pagkabilib sa propesyonalismo ni Ai-Ai delas Alas sa pelikulang “Area” ng BG Productions International. Wala raw kasing reklamo ang magaling na komedyana, kahit na-deglamorize at pinaghubad niya nang todo sa pelikulang ito.

“Grabe si Ai-Ai delas Alas rito sa pelikulang ‘Area’! Wala naman siyang frontal dito, pero walang takip iyong mga sugat-sugat niya sa likod… wala siyang pakialam kung lawlaw ang panty niya, kung makita ang puwet niya…

“Ang galing, aktres siya!” Saad ni Direk Louie Ignacio.

Nagpakita ba si Ai Ai ng boobs dito?

ADVERTISING

Sagot ng Kapuso director, “Hindi naman, pero naghubad siya nang walang panty. Kita iyong puwet niya, pumayag siya, sa akin lang, walang mga tao sa loob ng set.”

Ang pelikula ay ukol sa isang lugar sa Angeles City na tinatawag na ‘Area’ na may mga prostitute sa murang halaga. Gumaganap sina Allen Dizon at Ai Ai rito bilang maintainer at bugaw ng mga kasa sa naturang lugar.

Aminado rin ang award-winning direktor na binago talaga niya ang kanyang image sa pelikulang ito.

“Binago ko talaga, kasi matanda na ako. Kailan pa ako gagawa ng mga seryosong pelikula? Eh, idol ko pa naman si Lino Brocka, ‘yung mga ganyan. Kailan pa ako makagagawa niyon…. ayaw ko nang puro pa-tweetums nang pa-tweetums, ikamamatay ko iyan,” nakangiting saad niya.

Dagdag pa niya, “Oo, mayroong mga frontal dito, Si Rajah Montero. Mayroon pang pumping scenes, si Sue Prado, may mga breast exposure.”

Kakaibang experience daw ito para kay Direk Louie dahil talagang natutulala raw siya sa mga daring na eksena sa pelikula.

“Tulala ako! Nagtatawanan kami ni Ai Ai, sabi ko, ‘Naku Ai Ai, baka hindi manood ang nanay ko nito. Baka ipalabas ang lahat ng Mama Mary sa bahay ko!’

“First time kong gawin iyon, pero art, sobra.”

Idinagdag pa ni Direk Louie na target nila ang international market at international filmfest para sa pelikulang “Area”.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING