Ai-Ai delas Alas, parang anak na niya ang bagong dyowa

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, parang anak na niya ang bagong dyowa

Ai-Ai-delas-AlasPARANG OPEN na rin pala si Ai-Ai delas Alas sa lovelife niya, pero iniiwasan na lang niyang pag-usapan. Mas gusto niyang tahimik na lang dahil hindi naman showbiz ang dyowa niya.

Pero naloka ako dahil halos kaedad daw ng isang anak niya itong dyowa niya, pero keber ba! Masaya siya at sabi nga niya, this time daw ay kampante siya sa relasyon nila at tingin daw niya ito na ‘yun. “This is it!” sabi niya. Pero wala raw sa plano nila ang kasal. Kung siya ang tatanungin, wala raw siyang balak na magpakasal. Ayaw na raw niyang umasa. Basta happy raw siya at wala na raw siyang mahihiling pa.

Nakita ng mga kaibigan niyang reporters itong dyowa niya na isang tennis player at doon nga sila nagkakilala.

May ilang nag-post na nga sa Instagram account nila ng litrato ni Ai-Ai kasama itong boyfriend, pero hindi lang sinabi na boyfriend niya ‘yun.

ADVERTISING

Sabi kasi ni Ai-Ai, natuto na raw siya sa mga nakaraang relasyon niya na lagi niyang dini-display sa mga showbiz events niya. Pero ngayon ay low profile lang sila at mas gusto nila ang ganu’n katahimik.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING