Ai-Ai delas Alas, palalabasin na namang dehado ‘pag nabigo na naman sa bagong relasyon

Ai-Ai delas Alas, palalabasin na namang dehado ‘pag nabigo na naman sa bagong relasyon

1 Ai-Ai-delas-AlasSA TANONG if Ai-Ai delas Alas is fully aware sa relasyong pinasok na naman niya—this time with a guy 30 years her junior—the answer is a resounding YES.

But for the comedienne to hope that the classic example of a May-December affair would be for keeps (or for keps lang?), tulad ng kanyang ipinagdarasal, Ai-Ai should knock some sense into her head.

Let her previous marriages sana speak for themselves.

Una, kay Miguel Vera na pinakasalan niya in Benguet only to find out na kasal pala ang balladeer sa isang nagngangalang Christine; at ikalawa, kay Jed Salang sa Amerika only to realize he wasn’t a husband material either.

Ihanda ni Ai-Ai ang kanyang sarili na malaking factor ang kanilang age gap kahit sabihin pa nating “Age doesn’t matter.” But age gap DOES. With a yawning age difference comes a disparity of interests and persuasions.

Maaaring ang trip ni Gerard Sibayan ay napaglipasan na ni Ai-Ai whose preoccupations are that of her golden age. Also, being a non-showbiz guy, hindi sanay ang bagets sa kaluka-lukahan o eccentricities ng mundo ng kanyang nobya much less Ai-Ai’s eccentricities mismo!

Culture shock ang idudulot nito kay Gerard who might regret having mixed his quiet life with Ai-Ai’s turbulent state of mind.

What might even cause discomfort sa parte ng bagets ay ang katotohanang he’s under public scrutiny. Minamanmanan ang kanyang bawat kilos, to the point that this will encourage him to be somebody that he is not para lang maging kanais-nais sa paningin ng publiko.

And once we see another failed relationship waiting to happen, si Ai-Ai na naman ang palalabasing dehado, niloko, betrayed and cheated on as if she did not have her share of shortcomings.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III