Ai-Ai delas Alas, napagbibintangan ng kung anu-ano dahil sa pagtulong kay Jiro Manio

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, napagbibintangan ng kung anu-ano dahil sa pagtulong kay Jiro Manio

Ai-Ai-delas-AlasUNFAIR NAMAN kay Ai-Ai delas Alas na pagbintangan pa siya nang masasama sa pagtulong niya kay Jiro Manio.

ADVERTISING

Ang ibang bashers kasi, pinararatangan pa si Ai-Ai na gusto lang daw na mapag-usapan kaya tumutulong ito kay Jiro.

Diyos ko, ‘day! Kailangan pa ba ni Ai-ai ‘yan?

Meron pang ibang binibigyan ng malisya, at tinatawag pang cradle snatcher ang Kapuso Comedy Queen.

ADVERTISING

Sa mga  naninira na basta may masabi lang laban kay Ai-Ai, hindi na lang sila pinapansin ng aktres. Ang mahalaga, nandiyan ang todong suporta niya para kay Jiro.

Medyo matindi talaga ang tutok sa dating child actor at kung wala nitong gagawa para sa kanya, lalo lang mapariwara.

Sabi ni Ai-Ai, basta gumaling lang si Jiro, tutuparin daw niya ang pangako niya sa bagets na dadalhin niya ito sa Japan.

Nakatakda ngang umalis si Ai-Ai pa Japan dahil may mga kinausap na siyang hanapin doon ang ama ni Jiro  para pakiusapan tungkol sa isyu ng anak nito.

Sinabihan naman daw ni Ai-Ai si Jiro na huwag masyadong umasa dahil siyempre may ibang pamilya na roon itong Japanese father niya. Ang importante, makita lang daw niya ito.

Kaya, sana manahimik ang mga naggagaling-galingan diyan, dahil hindi nila alam kung sino pa ang mga natulungan ni Ai-Ai-Ai.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING