Ai-Ai delas Alas, nanghihinayang kay Vic Sotto

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, nanghihinayang kay Vic Sotto

Ai-Ai-delas-AlasPAGKATAPOS NG Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo at ng Bride For Rent ay sisimulan na ang shooting ng bagong tambalang Xian Lim at Kim Chiu. Napag-alaman namin na kasama pala rito si Ai-Ai delas Alas.

ADVERTISING

“Excited na akong makasama ang dalawa.”

Remember, nagkasama silang tatlo sa My Binondo Girl kung saan ‘yun din ang naging take-off ni Richard Yap para maging leading man naman ito ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful With My Heart.

Wala bang filmfest entry si Mareng Ai-Ai?

ADVERTISING

“Wala, eh. Dapat sana, kinukuha ako ni Bossing Vic du’n sa movie nila ni Ryzza Mae Dizon, pero hindi ako pinayagan ng Star Cinema, eh. Pero excited ako rito sa KimXi, mga anak ko naman ang dalawang ‘yan, eh.”

Ang alam naming entry ng Star Cinema ay dalawa: Praybeyt Benjamin na kasama na this time si Bimby Yap at ‘yung Feng Shui kung saan kasama naman ni Kris Aquino si Coco Martin.

“Nanghihinayang din naman ako, dahil Bossing Vic ‘yon, eh. Sobrang love ako no’n, eh. Eh, me existing contract pa ako sa Star Cinema, kaya alam na.”

 

WE REALLY cannot please everybody. ‘Pag kami na talaga ang nagba-blind item, ewan kumba’t OA ang ibang fans sa kaookray sa amin. Porke ang hula lang nila doon ay ang idol nila na hindi naman sila sure kung ‘yun nga ay parang siguradong-sigurado na sila.

‘Pag itong mga ito ay pinatulan mo pa ay talaga namang wala nang katapusan ang bangayan, hahahaha! Kaya kami, ine-enjoy na lang namin ang “katalinuhan” ng ibang mga tagahanga na imbes na magtapos ng pag-aaral ay wala nang inatupag, kungdi ang “magpakamatay” sa iniidolo nilang artista.

Kami naman ay naging fan din ng ilang artista, pero hindi kami ganoon ka-diehard.

Kaya kami ay saludo sa mga fans na talagang ina-approach pa kami nang matino at mahusay at ‘yon ang ine-entertain namin.

Marami rin kaming mga fans na kaibigan na rin ngayon, dahil sa totoo lang, gusto naming kaibiganin ang mga fans na malalawak ang utak at hindi “palengketic”.

O, baka mag-react ka na naman, ha? Wala kaming tinutukoy na pangalan dito, kaya ‘wag um-OA, okay?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING