Ai-Ai delas Alas, nalulungkot sa pagsemplang ng soap

Ai-Ai-delas-AlasNALULUNGKOT DAW ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas sa pagsemplang ng ratings ng kanyang soap sa Kapuso Network, ang Let The Love Begin, na mula umpisa at hanggang ngayon, hindi man lamang nakaungos sa katapat na palabas sa ABS-CBN.
Una itong itinapat sa Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano, kung saan milya-milya ang naging lamang sa rating games ng Forevermore kontra Let The Love Begin hangang sa natapos ang serye ng ABS-CBN.
At sa pagpasok naman ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan ng Teen Queen at Teen King ng bansa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mas lalo nang sumemplang ang rating ng Let The Love Begin.
At kahit nga raw suportado pa si Ai-Ai ng isa sa hottest loveteam ng GMA 7 na sina Ruru Madrid at Gabi Garcia, wala itong nagawa para mapatumba ang tambalang KathNiel.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleDennis Trillo at Jennylyn Mercado, balik-tambalan sa serye
Next articleEnrique Gil, si Liza Soberano lang pala ang hinihintay

No posts to display