Ai-Ai delas Alas, nagustuhan ang pagiging ‘di magimik ng bagets na BF

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, nagustuhan ang pagiging ‘di magimik ng bagets na BF

2 Ai-Ai-delas-AlasDESPITE THE 30 year age gap ay magkasundo sina Ai-Ai delas Alas at boyfriend niyang si Gerald Sibayan, something which she describes as “divine providence”.

“Hindi ko talaga alam kung bakit kami nagdya-jive sa age gap namin. Totoo ‘yan. Siguro age doesn’t matter,” say ni Ai-Ai sa presscon ng Past Tense na pinagbibidahan nina Kim Chiu and Xian Lim.

“Siguro kapag ibinigay sa ‘yo nandiyan na ‘yon, eh, hindi mo ma-explain. Ako, nagtataka ako kung bakit kami magkasundo.”

Ang gusto niya kay Gerald ay hindi ito gumigimik.

ADVERTISING

“Ayaw niya ng ganoon. ‘Di lumalabas ‘yon. Gano’n lang siya – natutulog, (papasok) sa La Salle, magba-badminton. Siguro he was created ni Lord nang ganoon. ‘Yun lang ang buhay niya.”

Nang matanong kung ano sa past niya ang gusto na niyang kalimutan, say ni Ai-Ai, “Kung gusto n’yo ang love life ko, kinalimutan ko na ‘yon, tinuldukan ko na at ayaw ko nang balikan. Ikinasal ako ng 29 days. Gusto ko in the future maging 29 years ang marriage ko.”

 

ENJOY NA enjoy si Luke Jickain sa Phuket, Thailand hindi dahil nagbabakasyon siya kundi dahil kasama ang Philippine Aguilas team niya for the 2014 Asian Beach Games, who’s playing American flag football.

Pinost ni Luke sa kanyang Instagram account ang mga activities nila and many of his followers were cheering for him and his team. Lahat sila ay excited na magwagi ang koponan ni Luke kasi ‘pag nananlo sila ay makakasali sila sa isang malaking event next year sa ibang bansa.

Natapos na siguro ni Luke lahat ng mga eksena niya sa Wattpad Presents Savage Casanova na pinagbibidahan ni Ritz Azul at Edward Mendez.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING