Ai-Ai delas Alas, nagpi-prima donna na agad sa bagong soap sa Siyete?

Ai-Ai delas Alas, nagpi-prima donna na agad sa bagong soap sa Siyete?

Ai-Ai-delas-AlasAFTER GENESIS and Ang Dalawang Mrs. Real, here comes another May-December affair-themed dramaserye na mapapanood sa GMA, ang Let The Love Begin.

The latter serves as a launching pad sa inire-resurrect na career ni Ai-Ai delas Alas—hindi sa pamamagitan ng isang comedy show o sitcom o anupamang behikulo na puwedeng pakinabangan what’s left of her comedic talent—kundi via a serious soap.

Ewan nga lang kung anong challenge meron ang kanyang papel bilang dyowa ng homegrown talent na si Ruru Madrid (kasama rin doon si Regine Velasquez, but as what?) considering na ang mismong tema ay isinasabuhay na ni Ai-Ai.

Piece of cake lang ‘yon sa hitad, even her nuances will just flow naturally nang walang ka-effort-effort. Ergo, hindi ito maituturing na piece de resistance ni Ai-Ai based on her string of past romantic liaisons sa mga bagets na sumususo pa sa dede ng kanilang mga nanay.

Tiyak ding paglalaruan ang pamagat ng kanyang soap na Let The Love Begin. Oo nga naman, after showering her boylet with every imaginable thing in this material world—sabi nga ni Madonna—aba, love should begin, pero hindi nga lang puwersahan.

Dinig namin, na kay Ai-Ai na raw ang paunang script ng soap. Kaso, there are portions na pinalagan niya roon at gustong ipa-revise, ganu’n?

Having heard about Ai-Ai’s quirky demands, hindi pa man nagsisimula ang taping ng kanyang soap, ay marami na ang nagtaas ng kilay. “Mag-prima donna ba agad?! Saka na siya mag-emote kapag bongga ang pilot episode ng show niya, ‘no!”

 

ISA PALANG fan si Majay, na pumayag lang ipagamit ang kanilang bahay para pag-shooting-an ng isang indie film nang malamang kasama sa cast si Judy Ann. Lalo pang na-excite ang misis ni Jingo nang malamang kasama rin sa shooting sina Dingdong, Marian, at Sharon.

Ang baklitang location hunter na si Ramsey ang nagbago sa ayos ng bahay ng Ismol Family. Not only is he in charge of the productuon design, director din siya, at nangangasiwa ng catering.

Ang tanong: darating kaya ang mga artistang pinananabikang makita ni Majay nang personal? At nang malaman nina Ethan at Yumi na may shooting, type din nilang sumali but will they be part of the powerhouse cast?

Samantala, matataypan naman ni Ramsey si Bernie, i-launch kaya siya bilang artista? Pinormahan naman ni Lance ang isang starlet na ikinairita ni Mama A na nauwi sa away.

Ang ending: nagdesisyon si Direk Ramsey na gawan na lang ng pelikula ang mga kaganapan sa Ismol Family, pumayag naman kaya sila? Abangan ngayong Linggo.

Meanwhile, tatlong event ang aabangan sa Easter episode ng Ismol Family: una, ikakasal na si Bernie? Kanino? Kay Natalia ba? O sa ka-same sex nito? Babalikan si Bernie ng kanyang nakaraan na mala- fantasy lang.

Pangalawa, ipagpapatayo na ni Lance ng bahay si Mama A tanda ng kanyang tapat na pag-ibig. Paano? Saan siya kukuha ng perang pampatayo ng bahay? Talaga bang seryoso na si Lance kay Mama A?

At pangatlo, may magse-celebrate ng birthday. Guess who? Kaya huwag palampasin ang Ismol Family on April 5, 6:45 pm.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III