Ai-Ai delas Alas, nagke-Candy Crash habang iniiyakan ang nangyari sa kanila ni Jed Salang!

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, nagke-Candy Crash habang iniiyakan ang nangyari sa kanila ni Jed Salang!

Ai-Ai delas Alas, nagke-Candy Crash habang iniiyakan ang nangyari sa kanila ni Jed Salang!IN A way, nakatulong sa pagpayat ni Ai-Ai delas Alas ang masalimuot na kinahinatnan ng kanyang buhay may asawa, dahil kada makikita namin ito ay gumaganda ang kanyang figure at aura.

ADVERTISING

Mas maaliwalas na ang kanyang fez ngayon na animo’y wala nang dinadalang problema sa pag-ibig. Hindi gaya noong mga panahon bago pumutok ang issue ng hiwalayan nila ng kanyang estranged husband na si Jed Salang.

“Ipinagpapasa-Diyos ko na lang ang mga ginawa n’ya (Jed) sa akin,” sabi ng Comedy Queen nang makatsikahan namin ito the other night sa Zirkoh Tomas Morato sa Quezon City with her and Allan K’s business partner, Mama Lito Alejandria, kapatid na Richard Pinlac at si Mama Jobert Sucaldito bago pumunta ang aktres sa simbahan ng Our Lady of Manaoag sa Pangasinan kasama lang ang kanyang mga security bandang mga ala-una ng madaling-araw.

Kuwento ni Mama Lits, minsan na raw pala n’yang biniro noon si Jed na ‘pag pinaiyak nito o sinaktan si Ai-Ai ay baka ma-frontpage ito sa mga dyaryo.

ADVERTISING

Sa kabila ng mga sakit na pinagdaanan ni Ai-Ai nang dahil sa pag-ibig, nanatili itong positibo sa buhay at sa pag-uugali. Napakagaling n’yang magdala ng problema. Nakapagpapatawa pa rin s’ya ng ibang tao at inaaliw n’ya ang sarili n’ya. Kaya walang katulad talaga ang kalibre at husay n’ya bilang komedyana.

“Nagpapasalamat nga ako sa nakaimbento ng Candy Crash (game), dahil kahit umiiyak ako noon, tumutulo ang mga luha, nilalaro ko pa rin ‘to hanggang sa makatulog ako at nasa dibdib ko na ‘tong cellphone ko,” nakakatawang tsika sa amin ni Martina Eileen (tunay na pangalan ni Ai-Ai).

Nakatakdang lumipad ng Amerika ni Ai-Ai kasama ang panganay na anak na si Sancho any day next week para dalawin ang dalawa pa n’yang anak na sina Nicky at Sophia at magpahinga at magliwaliw nang may isang buwan gayong kakatapos lang ng Pilipinas Got Talent Season 4.

We heard, madalas daw nakikita lately si Jed na nagka-clubbing sa Prive sa Taguig.

Pero how true na dapat daw ay magsasalita rin sa The Buzz si Jed pero in the end ay minabuti na lang daw nitong manahimik?

Ai-Ai delas Alas, nagke-Candy Crash habang iniiyakan ang nangyari sa kanila ni Jed Salang!

NAGULAT KAMI at natuwa nang malaman namin na may pinag-aaral daw palang isang faney sa college si Richard Yap o mas kilala ngayon bilang si Sir Chief ng pinakasikat na teleserye ngayon na Be Careful with My Heart.

Lumapit daw kay Richard ang tagahanga n’yang ito para humingi ng tulong sa pag-aaral na hindi naman daw n’ya binigo.

Well, mukha naman talagang matulungin si Richard, sa totoo lang. Baka nga hindi lang natin alam na higit pa pala sa isa ang tinutulungan ni Sir Chief na makapagpatuloy at makapagtapos ng pag-aaral, gaya ni Papa Piolo Pascual, ‘di ba?

 

NAG-UMPISA NA pala ang pag-submit ng movie entries para sa Metro Manila Film Festival sa darating na December.

Kung matutuloy, napag-alaman namin na ang isa sa tatlong magiging entries ng Star Cinema Productions ay ang movie version ng Be Careful with My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Ang pangalawa raw ay isang horror movie na pagbibidahan ng mga young star ng Kapamilya Network na wala pang casting.

Ang ikatlo raw, ayon sa aming source, ay isang sobrang nakakatawang pelikula muli mula sa phenomenal at unkabogable star na si Vice Ganda na baka i-co-produce ng Viva Films.

 

OMG! HINDI raw pala P41 million kundi P70 million daw talaga per month ang sahod ni Willie Revillame sa TV5, ayon sa aming very reliable source!

Ibang klase talaga ang controversial TV host, kahit alin pa sa dalawang figures ang kanyang monthly salary!

Nabalitaan pa nga namin na nagbigay raw si Willie ng P500,000 kay Tita Annabelle Rama nang binisita n’ya ito sa Cebu nu’ng kasagsagan ng kampanya para magbigay-suporta sa pagtakbo ng huli bilang kongresista na sad to say ay hindi pinalad.

But how true na ang asking fee na hiningi raw ni Willie ay about P90-M kada buwan na hindi na raw keri ng Kapatid Network, kaya baka mag-bavooh na ito sa nasabing istasyon pagka-expire ng kanyang contract come October this year?

Gaano rin katotoo na nagbiro raw si Willie sa isang matagal na n’yang kaibigan sa ABS-CBN na baka magkita na lang daw ulit sila sa Studio 3 ng network, kung saan iyon ang dating studio ng kanyang mga programa sa Dos bago ito lumipat ng TV5, dahil may bago raw na kaganapan o desisyon na pabor diumano sa TV host?

Trulajet din kaya ang tsika na hindi na raw si Boss Vic del Rosario ng Viva Films ang namamahala ngayon sa karera ni Willie?

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING