Ai-Ai delas Alas, na-X ang trailer ng pelikula

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, na-X ang trailer ng pelikula

Ai-Ai-delas-AlasOKAY NA kay Ai-Ai delas Alas kung wala man siyang Metro Manila Film Festival Entry.

“Pahinga lang, mare. Baka next year, tingnan natin. Anyway, excited naman ako dito sa bago naming film ng mga bebe kong sina Xian lim at Kim Chiu, eh.

“Ang ganda nito. Nakakatawa ‘to, grabe!”

Oo nga, eh. Trailer pa lang ng Past Tense, andami nang tanong sa utak ng tao kumbakit una, ‘yun ang title.

ADVERTISING

Pangalawa, bakit ginagaya niya ‘yung mannerisms at mga kakikayan ni Kim.

At bakit napakataba ni Xian sa karamihan ng eksena na bigla itong pumayat at naging kaakit-akit.

At oo nga pala, bakit ‘yung ipinasang trailer, na-X rating ng MTRCB?

“Ewan ko ba. Eh, du’n yata sa eksenang itinulak ako ni Xian Lim dahil biglang naging ako si Kim, tapos, lumabas ang underwear ko.

“Eh, b’at naman ako magpa-panty, mare? Karamihan sa mga eksena ko sa mga nagawa kong pelikula, naka-tanga ako?

“Dito sa movie, naka-shorts ako na skintone ko ang kulay kaya siguro ang akala ng mga taga-MTRCB, panty talaga o wala akong underwear.

“Ambilis kasi ng eksena, eh. Akala siguro nila, wala akong underwear.”

So na-curious na naman ako, kaya kailangang mapanood ito sa November 26 nang magkaalaman na kumbakit na-X ang trailer ng isang pelikulang for all members of the family.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING