Ai-Ai delas Alas, na-kansel ang pre-Valentine concert

Ai-Ai delas Alas, na-kansel ang pre-Valentine concert

Ai-Ai-delas-AlasBIGLANG NAKANSELA ang pre-Valentine concert ni Ai-Ai delas Alas na Ai Heart Papa na dapat ay napanood kahapon (Feb. 12) sa Solaire Resort and Casino.
May iba’t ibang bersiyong naglabasan tungkol sa ‘di pagkakatuloy ng show and we are writing the  producer’s side dahil siya ang una naming nainterbyu.
“Unang-una, gusto kong mag-apologize kay Ms. Ai-Ai,” pahayag ni Jacob Fernandez, ang producer ng show.
“Nagkulang talalaga sa preparation ang concert kaya nagkaganu’n. Siyempre, Comedy Concerrt Queen siya, gusto natin, bonggang-bongga. Tapos nagpalit pa kami ng guest. So, feeling ko, kulang talaga sa preparation,” lahad pa niya.
Para kay Jacob, hindi totally cancelled ang show ni Ai-Ai. Postponed lang daw ito at puwede pang ituloy sa ibang araw.
Samantala, idinenay naman ni Jacob ang isyu na matumal ang benta ng tiket sa concert ni Ai-Ai kaya hindi ito itinuloy.
“Malakas naman si Ai-Ai sa tao, siguradong marami siyang walk-in (audience) kaya puwede pa ring ma-sold-out ang tiket, kaya lang, hindi na nga natuloy,” paliwanag pa niya.
Guest sana sa Ai Heart Papa sina JC de Vera at Aljur Abrenica. Sila bale ang pumalit kay Richard Yap na orihinal na guest ng Comedy Concert Queen.

La Boka
by Leo Bukas