Ai-Ai delas Alas, may tampo pa rin kay Kris Aquino?

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, may tampo pa rin kay Kris Aquino?

Kris-Aquino-Ai-Ai-delas-AlasKUNG NAGING masakit at mabigat ang 2013 kay Ai-Ai delas Alas kung saan bago nga matapos ang taon ay sumakabilang-buhay ang tunay niyang ina na si Mrs. Hernandez, positibo naman ang pasok ng taon sa Comedy Queen.

Pinarangalan bilang isa sa Dekada awardee sa nakaraang 30th Star Awards for Movies, kasama rin si Ai-Ai sa seryeng Dyesebel kung saan gumaganap siya bilang isang sirena. Excited at masaya ang komedyana sa pagkakasama sa nasabing pantaserye, matagal-tagal na rin kasing panahon nang huli siyang mapanood sa isang soap opera.

Mapapanood ang Dyesebel sa March 17 kung saan makakasama ni Ms. Ai-Ai sina Anne Curtis na gumaganap bilang Dyesebel, Gerald Anderson, Sam Milby, Dawn Zulueta, Albert Martinez, Andi Eigenmann, at iba pa.

Lumabas ang mga larawan ni Ai-Ai kasama si James Yap sa nakaraang victory party ng koponanan San Mig nang mag-champion ito sa katatapos na PBA season at sa post-birthday celebration na rin ng basketball player. Patunay lamang ito na tuloy ang pagkakaibigan nina Ai-Ai at James, kung saan unang naging malapit na kaibigan ng komedyana ang dating asawa ni James na si Kris Aquino na nakatampuhan naman sa ngayon ni Ai-Ai.

ADVERTISING

Para sa komedyana, masaya siya na naayos ang ‘di pagkakaintindihan ng dating mag-asawa pagdating sa visitation rights kung saan tuwing Biyernes ay na kay James na ngayon si Bimby. Alam din ni Ai-Ai na ito ang kaligayahan ng kaibigan. Minsan ding nakatampuhan noon si James, pero naayos ang gusto sa pagitan nila ng basektbolista at ngayon nga ay malapit na magkaibigan pa sila. Nang tanungin namin kung bukas ba siya sa pakikipag-ayos kay Kris na may malalim na tampo sa kanya, umiwas agad ang Comedy Queen at nagsabi sa amin na ayaw niyang magsalita tungkol dito.

Binigyang-linaw rin sa amin na wala siyang boyfriend ngayon, kataliwas sa usap-usapan na may bago raw inspirasyon sa ngayon. Ayon kay Ai-Ai, sa ngayon ay patapos na ang healing process niya pero ‘di pa siya handang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon.

Sa ngayon naman ay lumalabas at nakikipag-date, para sa aktres ay mas maganda na rin kung wala siyang ekslusibong dina-date para iwas sakit na rin sa puso dahil mahirap nga naman na mahulog na naman ang loob niya sa isang tao pero ‘di pa niya nagagamot ang sarili dahil sa paghihiwalay nila ng dating asawa na si Jed Salang.

 

NAGTANGKANG MAGPAKAMATAY ang 17-anyos na anak ng komedyanteng si Jose Manalo dahil sa sama ng loob nito sa ama.

Ayon sa panayam kay Atty. Dennis Pangan, abogado ng pamilya, nasa Medical City ang bata, uminom ito ng napakaraming gamot pero ngayon ay may malay na, bagama’t umiiyak pa rin at depressed. May sulat itong iniwan para sa ama na punong-puno ng sama ng loob kay Jose.

Ayon sa sulat ay pinabayaan sila ng ama, ‘di sila sinusuportahan ng komedyante. Nu’ng Pasko ay wala pa lang ipinadala ng kahit ano si Jose sa iniwang pamilya. Bukod dito ay ‘di na rin ito nagbigay ng tuition fee kaya nahinto sila sa pag-aaral.

Nakalulungkot lang isipin na kumikita nang malaki si Jose bilang isa sa regular host ng Eat… Bulaga! bukod pa sa mga shows niya tulad ng Celebrity Bluff at Vampire Ang Daddy Ko, pero mukhang kinalimutan na rin ng komedyante ang responsiblidad niya bilang isang ama sa mga anak nang magkahiwalay sila ng asawang si Annalyn Manalo.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING