Ai-Ai delas Alas, may pasabog laban kay Maine Mendoza?

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, may pasabog laban kay Maine Mendoza?

Ai-Ai delas Alas, may pasabog laban kay Maine Mendoza?Kung totoo ang nakarating sa amin, Ai-Ai delas Alas should rethink her plan of dropping the bomb on Maine Mendoza.

ADVERTISING

At ano naman ang ibubunyag daw ni Ai-Ai delas Alas? Her disgusting experience with Maine while doing their MMFF enty last year. Without getting into the details, ikinainis daw ni Ai-Ai ang nag-uum-attitude na si Maine Mendoza with her prima donna ways.

Pero ang pagka-bad trip daw na ‘yon ni Ai Ai towards a co-worker ay kinimkim lang niya for the sake of the movie. Pero ngayong naipalabas na ito’t lahat, Ai Ai’s outburst is irrepressible.

Kung tutuusin, may katwiran si Ai Ai na almahan ang ganu’ng work ethic o work attitude ng sinumang nakakatrabaho niya lalo’t the one who displays it is a virtual newbie in the business. Respeto na lang ‘yon sa parte ni Maine sa kanyang mga co-workers who came way before her, and more importantly, respect for her craft.

ADVERTISING

But Ai Ai’s expose might be ill-timed. Bukod sa inaasahan nang pamba-bash sa kanya ng mga fans ni Maine, her pronouncements—kung itutuloy nga niya ito—wouldn’t be a good segue from a recent positive publicity stunt tungkol sa tagumpay niyang maipa-rehab si Jiro Manio for the latter to get a life anew.

Yaman din lang that Ai Ai seems to be an effective “tour guide” sa mga naliligaw ng landas for the lost to embark on life’s new destinations, she might as well “confine” Maine to some facility to address the girl’s attitude problem.

Saang lupalop kaya meron nito?

 

NOT A bad segue, talk about lupalop.

In which public places nga ba can one find an intriguing earthling? Sa rami ng mga lugar, a likely place would be an open coffee shop. Such is the setting ng susunod na kilig movie made for TV na “Wattpad Presents Mysterious Guy At the Coffee Shop” na dapat abangan this Saturday (9-10:30).

Tampok sina Vin Abrenica at Yassi Presman, ang pagkamisteryoso sa katauhan ni Vin ang maglalatag ng kuwentong pag-uugatan ng pag-iibigan nila ni Yassi, and just how mysterious?

Pero sa kani-kanilang mga karera, nami-mystify kami kay Vin—ang kampeon ng Artista Academy na inilunsad ng TV5 noong 2013—dahil kinabog siya ni Mark Neumann, only a runner-up, in terms of regular breaks and meaty exposures.

“Pero hindi po ibig sabihin nu’n, eh, nai-insecure ako kay Mark. Para nga po kaming magkapatid, eh,” pag-amin ni Vin.

Samantala, sobra-sobra naman ang exposure ni Yassi:  a regular hosting stint sa “Born To Be A Star” and a number of guest appearances, “Masuwerte lang siguro ako as I get to do more projects na iba-iba.”

Now on its Season 6, ang dating mula Lunes hanggang Biyernes na “Wattpad Presents” ay nagsimula nang mapanood nang isang bigay para hindi mabitin ang mga manonood nito.

 

PERSONAL: NAIS naming batiin ng ika-71 kaarawan ang aming mahal na ina ngayong araw na ito (February 8).

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING