Ai-Ai delas Alas, may mga alagang duwende

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, may mga alagang duwende

Ai-Ai-delas-AlasSA JULY 26 na ang “Macho At Gwapita” sa Resorts World. Nakakatawa ‘to, dahil tiyak na riot itong sina Rico Puno at Ai-Ai delas Alas sa audience. Ayaw sabihin ni Mareng Ai-Ai kung ano ang mapapanood sa naturang concert, “Basta watch na lang sila, malolokah sila!”

Nakakatuwa naman si Mareng Ai-Ai kasi ang sabi niya, tanggap naman niyang “next level” na siya at hindi na para makipagbanggaan pa sa new breed of comedians. Hindi na rin naman maiaalis sa kanya ang bansag na “Comedy Concert Queen,” dahil mga tao ang nagsabi no’n sa kanya.

Walang filmfest entry si Ai-Ai, pero sa October ay showing na ang movie nila nina Kim Chiu at Xian Lim, “Mga anak-anakan ko ‘yan sa ‘My Binondo Girl’, kaya kabisado na namin ang isa’t isa. Actually, excited uli ako to work with them, kaya alam na, ha?”

Samantala, nu’ng Saturday night ay punong-abala si Ai-Ai sa birthday ng kanyang kinagisnang ina na nakatira sa dati niyang bahay sa Quezon City. “Hindi ko ibebenta ‘yon. Kasi, pagtanda ko, babalik ako roon. Suwerte sa akin ang bahay na ‘yon kasi me mga alaga akong duwende roon na mababait.

ADVERTISING

“‘Yung bahay na ‘yon ang umpisa ng pagyaman ko. Pagyaman ko raw, o! Hahahaha! Kaya hindi ko ibebenta!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING