Ai-Ai delas Alas, may karapatan ding lumigaya sa pag-ibig

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, may karapatan ding lumigaya sa pag-ibig

Ai-Ai-delas-AlasHAPPY KAMI kay Comedy Queen Ai-Ai delas Alas dahil sa natagpuan na niya ang bagong pag-ibig sa katauhan ni Gerald Sibayan na halos 30 years old ang agwat ng edad nila.

Kaarawan ni Ms. Ai-Ai yesterday (Tuesday), kung saan kasabay ng birthday niya ay ang press launch ng kanyang latest movie na Past Tense with Kim Chiu at Xian Lim na palabas na starting November 26.

Kung sa bagay, sa dami ng pasakit ni Ai-Ai sa mga nagdaang pag-ibig, lalo na sa last relationship niya, kung saan bugbog-sarado siya, she deserves to be happy this time.

Tulad ng sabi niya palagi: “Ang pag-ibig wala sa edad ‘yan,” which we agree.

ADVERTISING

Sino ba kaming kasama ng ibang mga meron para hindi ayunan ang kasiyahan na dulot ng bagong pag-ibig ni Ai-Ai?

Kung ang mga anak nga niya ay ayon kay Gerald, walang pakialam ang mundo sa happiness ni Ai-Ai sa piling ni Gerald.

Sa kanyang Instagram posting yesterday, ang tawag niya kay Gerald ay: “baby, bebe, japnog, coronel, pringels…” kung saan sa birthday video na gawa ni Gerald para sa kanyang lady love, nagpasalamat ito sa boyfriend niya sa kanyan IG.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING