Ai-Ai delas Alas, may itinatagong lihim

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, may itinatagong lihim

Ai-Ai-delas-AlasAno raw ba ang sekreto ni Ai-Ai delas Alas kung bakit hanggang ngayon ay tinatamasa pa rin nito ang kasikatan at hindi nawawala sa limelight kesehodang may kung anu-anong isyu na pinagdaraanan?

Well, para sa amin, ang pagiging mabait, matulungin, at totoong tao ni Ai Ai ang susi ng kanyang tagumpay kaya hindi ito nawawala sa sirkulasyon ng showbiz.

‘Di nga ba nang mabalitaan niya na parang wala sa sarili si Jiro Manio na gumanap na isa sa mga anak niya sa pelikula ay kaagad itong tulungan ni Ai Ai? Wala nang tanung-tanong pa, nagpasya si Ai Ai kung ano ang puwede niyang gawing tulong sa itinuring na rin niyang tunay na anak.

Maging sa press, super alalay at super friendly si Ai Ai kesehodang may mga ilang press na bumabatikos sa kanya ay binabale-wala lang niya ito.

ADVERTISING

Walang masamang tinapay kay Ai Ai basta kung kaya niyang tumulong ay gagawin niya na walang hinihinging kapalit.

‘Yan si Miss Ai Ai delas Alas na hanggang ngayon ay hindi pinagsasawaan at patuloy na binibiyayaan ng grasya dahil marunong mag-share ng blessing sa kapwa.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING