Ai-Ai delas Alas, may bagong pasabong sa career

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, may bagong pasabong sa career

Ai-Ai-delas-AlasMAY BAGO na namang pasabog sa kanyang career ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas. Meron na siyang electronic dance album o EDM na ang title ay ADA: The EDM Diva mula sa Star music.

Ai-Ai is celebrating her 25th year anniversary sa showbiz and her 50th birthday too, at ayon sa kanya ang mga kanta sa album ay swak hindi lang sa mga kaedad niya kundi maging sa kabataan.

Matagal na palang pinatugtog sa radyo ang kanta ni Ai-Ai na Nandito Lang Ako na carrier single ng kanyang album. Akala namin ay kung sino ‘yung bagong singer na si ADA. Si Ai-Ai pala ‘yun. Hahaha!

“Akala ng iba si ADA ay foreigner o Koreana. Pero ako po si ADA,” pag-amin ni Ai-Ai na katatapos lang mag-launch ng album sa ASAP 19 last Nov. 9.

ADVERTISING

Inamin din ni Ai-Ai na feeling JLo siya dahik bago ang tunog ng mga kanta niya sa album. Gagamitin na rin daw niya ang ADA bilang bagong stage name. Wow, bongga naman.

Kasama rin sa album ni Ai-Ai ang mga kantang Awitin Mo At Isasayaw Ko, I’m Feeking Sexy Tonight, Cocol Me, I-swing Mo Ako, Kitang-Kita at marami pang iba. Available na ang ADA: The EDM Diva sa mga leading record stores nationwide at sa iTunes.

Bida rin si Ai-Ai sa romantic-comedy movie na Past Tense mula sa Star Cinema kasama sina Kim Chiu at Xian Lim. Showing na movie sa November 26.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING