Ai-Ai delas Alas, matatag sa bira ng bashers dahil sa pag-ibig sa bagets

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, matatag sa bira ng bashers dahil sa pag-ibig sa bagets

Ai-Ai-delas-AlasKUNG MINSAN ang tao, unfair sa kapwa nila na masaya. Hindi ko naman sa nilalahat pero parang hindi naman tama ang mga sinasabi nila (sa social media) ngayong masaya ang Comedy Box-Office Queen na si Ai-Ai delas Alas sa natagpuan niyang bagong pag-ibig.

Kung hindi lang siguro matapang ang komedyante, ewan ko kung matatagalan niya ang mga opinion ng bashers sa relasyon niya sa isang 20 years old DLSU student named Gerald Sibayan.

Pero sa social media, iba’t iba ang mga opinion ng publiko sa pagpasok ni Ai-Ai sa relasyon niyang ito kay Gerald.

Ang mga komento sa Instagram from @silayan129: “Cradle snatcher ka. P’wede kang idemanda dahil menor de edad pa ‘yang si Gerald.”

ADVERTISING

May comment pa from a certain @dlsubagets: “Sariwa ‘yan Ai-Ai, huwag mong laspagin.”

Sa iba’t ibang negative opinion ng bashers, kung mahina ang loob ni Ai-Ai, matitibag siya. ‘Yong ibang comment sa Instagram ay hindi na namin isinulat dahil over na. Parang sobra na ang galit nila sa komedyante gayong wala naman itong ginagawang masama kundi ang magmahal ng isang lalaki na mas bata sa kanya.

I believe na sa pag-ibig, ang edad, hindi mahalaga. Kahit halos 30 years ang agwat ng edad nila ni Gerald at sabihin mang May-December affair ang namuo na pagmamahalan nila, ano ba naman ang pakialam ng publiko kung dito magiging masaya ang isang tao?

Kung maalala pa ang last relationship ni Ai-Ai ay kay Jed Salang, kung saan nagpakasal pa sila sa Amerika na hindi halos inabot ng dalawang buwan, ay naging battered wife bigla ang komedyante.

So far, oks sa mga anak ni Ai-Ai ang bagong relasyon ng kanilang ina. Ang halaga masaya siya kaya walang angal ang mga anak niya.

Sa katunayan, come December, uuwi ulit para magbakasyon ang mga anak niya na nasa Amerika nag-aaral na during their summer break recently ay andito sa bansa ang dalawang anak niya na sina Nicolo at Sophia for a short vacation.

Pero heto ang intriga, ang dalawang show ng ABS-CBN, lalo na ang The Buzz (every Sunday) at Aquino and Abunda Tonite (on weeknights) kung saan si Kuya Boy Abunda ay isa sa mga host kasama si Kris Aquino ay mga iskupera. In short, all the latest, all the hottest ay tinatalakay nila.

The fact na hot topic sa showbiz ngayong ang bagong pag-ibig ni Ai-Ai na alam naman natin ay isa sa mga malapit na “anak” ni Kuya Boy sa showbiz, ang tanong ng bayan, magge-guest kaya si Ai-Ai sa naturang shows gayong co-host ng kanyang “ama” ang dating BFF na si Kris Aquino na until now ay ayaw pag-usapan ng komedyante?

Alam naman natin na no longer in good terms sina sina Ai at Kris mula nang namatay ang ina ni Ai-Ai na hindi man lang naalala ng dating BFF (Kris) na makiramay o magpadala man lang ng bulaklak. Inaasahan pa naman ni Ai-Ai na dahil sa closeness nila ni Tetay ay isa ito sa unang dadamay sa kanya sa panahon ng kanyang pagdadalamhati.

Ewan ko lang kung sa darating na Sunday ay magiging topic ang “Bagets Love” nina Ai-Ai at Gerald at magko-comment si Kris sa kanilang POV segment kung saan ang tatlong hosts ng The Buzz ay nagbibigay ng kanilang opinion sa ano mang latest and hottest topic na hinihimay ng show.

Kapag nag-no comment si Kris sa “Bagets Love” ng dating BFF, ‘yun na ‘yun!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING