Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera, parehong nagpaplastikan?

Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera, parehong nagpaplastikan?

Ai-Ai-delas-Alas-Marian-RiveraMUTUAL PLASTIKAN, ito ba ang namagitan kay Ai-Ai de las Alas at sa misis ni Dingdong Dantes?

Nitong Lunes, Ai-Ai reportedly gave Dingdong’s wife a call—whom she addresses as “kambal”—inquiring about the latter’s schedule that day. Ayon sa huli, meron daw siyang Eat… Bulaga!.

Ang pakay pala ng pagtawag na ‘yon ni Ai Ai sa kanyang “twin sister” was to stage a surprise visit sa kinaroroonan ni Sancho Vito ng araw na ‘yon that coincided with his birthday. “Kambal,” lambing ni Ai-Ai,” sorpresahin naman natin si Sancho, birthday niya kasi today, eh.”

Mrs. Dantes acceded to the request, na ikina-touch naman ng birthday boy.

‘Eto na ang tagpong muntik na naming ikaduwal.

Ayon kay Ai-Ai, bata pa lang daw si Sancho ay crush na crush na niya ang misis ni Dingdong. Siyempre, musika nga naman ‘yon sa mga tenga ng object of infatuation ni Sancho.

Teka lang, if we may ask: Ilang taon na ba si Sancho, 26? Twenty seven? Eh, ilang taon ba ang aktres na crush niya, wala pang treinta anyos, ‘di ba?

How long has Dingdong’s wife been in showbiz, may isang dekada na ba? At kelan lang ba siya sumikat? At kilala ba siya ni Sancho nu’ng mga panahong ‘yon, or at least, was Sancho familiar with the GMA stars, eh, taga-ABS-CBN ang nanay niya? Natural, sa Dos naka-monitor si Sancho!

So, which is which: ganu’n na katanda si Mrs. Dantes o kabagets si Sancho?

Good thing, hindi pa kami naghahapunan nang mapanood namin ang kaechosang ‘yon sa TV, otherwise we would have thrown up, seeing even our innards scattered on the floor!

 

SALA-SALABAT ANG kuwento ng episode this Sunday ng Ismol Family: Si Bobong (Pekto) ay may bagong dyowa sa katauhan ni Aina.

Pilit na pinatatanggap ni Bobong ang kanyang bagong lovelife kay Yumi (Bianca Umali) na meron namang secret admirer, si Ginny. Tuluyan na kayang magpapaapekto si Ethan (Miguel Tanfelix) sa kanyang karibal, o mahuhulog ang loob ni Yumi kay Ginny?

This episode sees the fickle minds of the characters, lalo na ang bagong katulong sa bakery nina Jingo at Majay na si Nana, krung-krung nga ba ito? And speaking of krung-krung, masisira ba ang ulo ni Majay kapag natuklasan niya ang itinatagong sekreto ni Jingo?

Totoo kayang may anak si Jingo sa iba? Anyare?!

Abangan ang Ismol Family ngayong Linggo, 6:45 ng gabi.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III