Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera, ‘di na bagay sa kanilang mga ‘title’

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera, ‘di na bagay sa kanilang mga ‘title’

Ai-Ai-delas-Alas-Marian-RiveraWITH HER new career direction, Ai-Ai delas Alas has given up on the title Comedy Concert Queen bestowed upon her. After all nga naman, wala nang silbi ang bansag na ‘yon considering na hindi na siya visible sa siyang concert scene (nagkaroon nga, cancelled naman), and only her talent for comedy remains.

ADVERTISING

In this light, Mrs. Dantes’s career strategists might consider refraining from addressing her—in the meantime—as the Primetime Queen lalo’t umatras na siya sa dapat sana’y eere nang soap niya sa primetime block (to think na nakapag-tape na siya).

The tag is indeed a misnomer for a TV actress who has declared her state of dormancy in favour of her first-time pregnancy, thus causing an indefinite lull in her career. Buti na lang, she still gets the network support.

Pero puwede pa rin namang tawaging reyna ang misis ni Dingdong Dantes despite her temporary break off her TV work. How about “Breaktime Queen”?

ADVERTISING

 

IN THIS Sunday’s episode of Ismol Family, Lance—na isang salimpusa o non-entity sa naturang household—takes centerstage. At bakit bida na siya ngayon?

Nagyaya kasi siyang mag-treat on an all-expense paid outing sa Balesin. Ang problema, isang kakarag-karag na sasakyan ang gagamitin, isang dispalinghadong mini bus na any moment ay itirik pa sila sa daan. Idagdag pa ang drayber na si Mang Puro na hindi bihasang magmaneho.

But the excitement hovers in the air itsurang may mga ganitong aberya. May tatlong yaya pa nga ang triplets para lang maging ang mga bagets ay mag-enjoy nang bonggang-bongga.

As expected, katakutaot na kapalpakan ang nangyari, nandu’ng inabot na sila ng gabi. But Lance is both insistent and confident: tuloy pa rin ang kanilang summer getaway dahil nakiusap siyang i-extend ang kanilang bakasyon grande.

Masaya kayang makarating ang Ismol family sa Balesin kahit na mabagal at

boring ang trip? Touted to be the Ismol Family’s longest trip, what other hitches will the bakasyonistas encounter?

Abangan ngayong Linggo pagkatapos ng Vampire ang Daddy Kos a GMA.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING