Ai-Ai delas Alas, manunumbalik ang pagiging busy

Ai-Ai delas Alas, manunumbalik ang pagiging busy

Ai-Ai-delas-AlasOVER NA kung over ang ginawang pagpirma ni Ai-Ai delas Alas sa GMA 7 dahil sa kung anu-anong eksena ang naganap bago siya makarating ng bakuran ng Siyete. Sa true lang, ganoon naman talaga si Ai-Ai. At hanggang ngayon naman ay siya pa rin ang nag-iisang Reyna ng Comedy Concert Queen.

Wala nang iba pa, kahit may nagtatangka, e, ‘di pa rin talaga sila pasado.

Malaki ang chance ni Ai-Ai na manumbalik ang kanyang pagiging busy dahil nga kung hindi kami nagkakamali ay limang projects anng nakalinya na sa kanya.

Abangan na lang natin kung anu-ano ang mauna.

Basta ako, naniniwala na hindi mawawala sa sirkulasyon ang mga artistang mahusay.

At si Ai-Ai na nga ‘yun. Good luck!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!