Ai-Ai delas Alas, malapit pa rin sa tukso

Ai-Ai delas Alas, malapit pa rin sa tukso

Ai-Ai-delas-AlasPUWEDENG DAHIL ilang ulit nang sumasablay ang mga pakikipagrelasyon ni Ai-Ai delas Alas, kaya marami ang kulang pa rin talaga ang tiwala, na kung sino ngayon ang lalaking malapit sa kanyang puso na sobra niyang pinag-uukulan ng panahon, ay baka hindi pa rin iyon ang maging huling lalakI sa buhay ng comedy concert queen. Unang dahilan, dahil mas bata nga kesa sa kanya ang kanyang boyfriend, at marami pa siyang makikilala, kaya malapit pa rin siya sa tukso.

Kung si Ai-Ai kasi ang bibigyan ng pagtitiwala, mapagkakatiwalaan naman siya sa pagiging honest sa taong mahal niya, dahil nagtatagal din naman ang kanyang pakikipagrelasyon at nasisira lang iyon kapag siya ay napaso na sa hindi magandang nararanasan sa lalaking minamahal niya sa bawat panahon. Kapag nararamdaman kasi ng komedyana na naroon lang ang guy, pero parang hindi naman niya nararamdaman ang pagbibigay ng panahon sa kanya, nawawala na rin ang pagmamahal niya.

Hindi pa naman siyempre iiwanan ni Ai-Ai ang showbiz, dahil sa sinabi niyang isa sa kanyang mga plano ay ang manirahan din sa Amerika kasama ang kanyang mga anak. Sinabi iyon ni Ai-Ai, dahil hindi lang naman showbiz ang kanyang buhay. Masayahin siyang tao, kaya siya komedyana. Pero iba ‘yung kanyang kasayahan bilang ina kapag sama-sama na talaga silang buong pamilya, kaya kung hindi siya masyadong busy sa career, gusto talaga niya na laging makasama ang kanyang mga anak, ke may lovelife siya o wala.

ChorBA!
by Melchor Bautista