Ai-Ai delas Alas, mag-aala-Sharon Cuneta din?

Ai-Ai delas Alas, mag-aala-Sharon Cuneta din?

Ai-Ai-delas-AlasNOONG MAY tampo rin si Direk Wenn Deramas and he decided to bolt the gates of ABS-CBN ay panay ang pigil sa kanya ni Ai-Ai delas Alas.

Pero ang pumipigil noon ay hindi na napigilan sa kanyang paglipat. Ai-Ai is now with GMA 7, expect similar tales of disgruntlement towards her former home.

But le’s face it, Ai-Ai’s career took off the ground, hindi noong nasa GMA pa siya via the blocktimer sitcom 1 4 3 with Vic Sotto and Rosanna Roces, kundi sa ABS-CBN. Thanks to her manager Boy Abunda who uprooted her from GMA, and planted her in ABS-CBN soil. Du’n na siya tumubo at namunga.

With Ai-Ai’s transfer, we dread the day that she’ll do a Sharon Cuneta, na sising-sisi rin kung bakit lumayas sa ABS-CBN. This is a real-life telenovela waiting to happen, wanna bet?

 

REAL-LIFE ROMANCE ang dapat abangan sa episode ng Ismol Family this Sunday.

May slumbook si Majay when she was in high school, kung saan ang kanyang ideal man daw ay tall, dark and handsome. Upset naman ang asawa niyang si Jingo dahil of the three traits, he only possesses one: handsome.

In the story, Jingo discovers na ang first love ni Majay ay si Mac-Mac (played by Carla Abellana’s real-life boyfriend Tom Rodriguez). Pero isang araw, dumating si Mac-Mac at niyaya niya sina Jingo at Majay para kumain sa labas.

Pinilit ni Jingo na si Majay na lang ang sumama kay Mac-Mac na mag-lunch. Pero tinamaan na naman si Jingo ng selos kaya sumunod. Nakita niya si Mac-Mac na parang nagpo-propose kay Majay. So, what’s the next scene between the couple?

Samantala, ay bago namang magagandang kabarkada si Jackie. Niyaya nila si Ethan na mag-dinner din na ikinaselos naman ni Yumi.

Meanwhile, tuloy ang pag-e-emote ni Mama A na ulyanin na siya. Gusto lang kasi niyang madispatsa si Lance. Madismaya kaya si Lance, o tuluyan na silang magbe-break?

Sa episode na ito, tatlong loveteams ang nanganganib magkahiwalay, kung sinu-sino ang mga ito, huwag palampasin ang Ismol Family ngayong Linggo, 6:45 ng gabi sa GMA.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III