Ai-Ai delas Alas, lilipat na rin sa ibang network?

ADVERTISING

Ai-Ai delas Alas, lilipat na rin sa ibang network?

Ai-Ai-delas-AlasAN’DAMING NAGTATANONG sa amin kung lilipat na raw ba si Ai-Ai delas Alas sa ibang network ‘pag nag-expire na ang kontrata nito sa ABS-CBN, dahil diumano matapos ang Dyesebel ay parang halos wala nang balita sa aktres.

Sa kanyang nakaraang birthday celebration na um-attend ang Channel Head ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes, Business Unit Head Deo Endrinal at President and CEO Ma’m Charo Santos-Concio ay ipinost pa niya ito sa kanyang Instagram account at ang bahagi ng kanyang caption, ang nakalagay in all caps: ONCE A KAPAMILYA WILL ALWAYS BE A KAPAMILYA.

So, ‘yun na kaya ang sagot sa maraming tanong?

 

ADVERTISING

AND SPEAKING of Ai-Ai delas Alas, kahit na walang entry ang Comedy Concert Queen sa darating na Metro Manila Film Festival ay bongga naman ang pre-Christmas movie niya with Kim Chiu at Xian Lim, ang Past Tense kung saan trailer pa lang ay maku-curious ka na kung ano ang kaugnayan sa isa’t isa nina Kim at Ai-Ai at kumbakit mataba si Xian Lim.

November 26 ang showing nito, pero hindi natatakot ang Star Cinema, dahil oo nga naman, ito na ang huling Tagalog movie na ipalalabas bago ang MMFF. So ibig sabihin,  mahaba-habang showing ang mararanasan ng movie na ito na dinirek ni Mae Cruz.

Kasama rin sa movie sina Melai Cantiveros, RS Francisco, at ang sabi nga ng AdProm Mico del Rosario, “Nakakatawa ang buong movie, panoorin mo.  Ang galing ni Direk Mae.”

Eh, si Mico pa. ‘Pag hindi maganda, hindi rin niya sasabihin sa amin. Kaya naniniwala kaming maganda ang Past Tense.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING